Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2017

TANONGTONGTONG

Bakit nga ba kelangang naka belo ang mga kababaihan sa tuwing magsisimba, noong unang panahon? Bakit hindi na ito nakgawiang gawin ngayon? Hindi naman nagbago ang mga paniniwala at turo ng simbahang katoliko,bakit ang mga pamamalakad ng bawat simbahan ay iba iba? Bakit hindi lahat ng simbahan, mahigpit sa dress code? 

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

Kabanatang Pangwakas

Sundot.Kulangot. Saksak. Puso. Tulo ang dugo.. Wala na namang konek. Alam kong pinatawad ko na sya, alam kong masaya na ako para sa kanila ng girlfriend nya, na binalikan nya noong mga panahong akala ko kami na.  Alam kong binitiwan ko na ang pangakong sya na sana ang huli kong sinisinta. Alam kong tapos na ako sa mga gabing umiiyak at pagtatanong kung bakit kelangan mo pang bumalik sa kanya, at mawala? Ang natitirang bakit na lang naman ay..bakit kelangan ko pang masaktan sa tuwing maaalalang iniwan lang nya ako ng basta-basta? Hindi ba sapat ang ibinigay kong pagmamahal? pag aalaga? at sakripisyo para lang makapiling sya? Wrong pala ako, madami pa pala akong tanong. Bakit kelangan nilang ipamuka sa akin na mas masaya sya sa piling nya? Bakit kelangan pa nilang ipagsigawan sa mundo, na ginawa lang naman nya akong panakip butas? Bakit kelangan pa nila akong kaawaan, dahil ako yung iniwan at hindi ako yung binalikan?  Masakit padin..hindi dah...

Binura na Kita sa Social Media

Dumating na ako sa punto na ayoko nang umasa pa..umasang darating din ang araw na makikitang muli kita, at sasambitin ang mga katagang, "mahal din kita". Wala na akong Facebook, inunfollow na kita sa Instagram. Ngunit, hindi lumilipas ang isang maghapon na hindi ako magtatanong, "kumusta na kaya sya?". Inuninstall ko na yungViber ko, para kung sakaleng magpadala ka man ng mensahe na namimiss mo ako, hindi ko na mababasa at iisipin na lang na kinalimutan mo na ako. Binura ko na yung mga convo natin sa Messenger ko, para hindi ko na din mabalikan at basahin ang mga panahong nag aadik pa tayo sa isa't isa. Tutal, ilang buwan na rin ang mga yon, wala nang bisa, wala nang kahulugan at hindi na rin naman pwedeng masundan.  Kanina, naglakas loob akong burahin ang mga litrato na naka-save sa phone ko..Ngunit sa bawat scroll ko pakanan, para akong naglalakbay sa mga panahong napakatatamis ng iyong mga ngiti, na alam kong ako mismo ang umukit sa iyong mga ...