disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!!
Barasoain Church in Malolos, Bulacan
Yung simbahan sa sampung piso:
Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p
Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno.
Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, may museum na pinuntahan din namin. Nasa taas yung pictures. Ok naman yung museum, amoy antigo,masarap lumibot sa mga bulwagan, kung hindi lang mainit. Dapat ba hindi ventilated masyado ang mga musuems? o hindi naman? depende sa me ari ganon? Hindi ko sure kung ako ba yung hindi appreciative pero parang wala masyadong laman. Isang bulwagan lang yung punong puno ng pigurin, relic ng mga banal, sila Mama Mary, Baby Jesus, Sto Nino chaka iba pa nilang barkada, meron ding wedding gown na maganda pero di ko alam kung kanino, na furrgot ko.
Yung mga susunod na bulwagan, parang history na lang na di masyadong related sa Barasoain. Ineexpect ko kasi na more on sa simbahan yung tampok eh, tipong sino mga naging pare doon, sino yung head nilang pari. Mga madre. Yung mga dating ginamit sa simbahan na mga pan display, yung kalis, lagayan ng oscha. Mga genen. Ngunit, subalit, datapwat, wag na magreklamo, libre naman kasi ang museo.:)
Overall,nasiyahan naman ako, kasi maganda yung loob ng simbahan, ginto..bonus pa nung nagpunta kami, may kasalang nagaganap. :) Saya dibaaaaa.
Nkalalaungkot lang kasi hindi ko makita ng buo yung simbahan katulad nung nasa sampung piso, kasi yung harap ng simbahan parking lot sya.. Wala ding nagbebenta ng mga lobo, belo, pamaypay, pampalamig at cotton candy, para sana kumpleto na yung experience! O baka wala lang nung nagpunta kami.
Overall ulit, napakainit ng panahon nung nagpunta kami. Mga 10am na kasi kami nakarating. nakakagutom, at nakakaburn ng calories o kaluluwa nung mga kinain ko ilang oras bago kami nagsunog ng balat sa Bulacan.
Nagwish din pala ako! Isa padin yung wish ko katulad nung winish ko simula nung nag visita iglesia kami. Saan nga ba nagsimula ang pagwwish sa mga bagong simbahan na bnbisaita mo? Abangan sa susunod na blog..kung sisipagin ako.:)
Comments