Sundot.Kulangot. Saksak. Puso. Tulo ang dugo..
Wala na namang konek.
Alam kong pinatawad ko na sya, alam kong masaya na ako para sa kanila ng girlfriend nya, na binalikan nya noong mga panahong akala ko kami na.
Alam kong binitiwan ko na ang pangakong sya na sana ang huli kong sinisinta.
Alam kong tapos na ako sa mga gabing umiiyak at pagtatanong kung bakit kelangan mo pang bumalik sa kanya, at mawala?
Ang natitirang bakit na lang naman ay..bakit kelangan ko pang masaktan sa tuwing maaalalang iniwan lang nya ako ng basta-basta?
Hindi ba sapat ang ibinigay kong pagmamahal? pag aalaga? at sakripisyo para lang makapiling sya?
Wrong pala ako, madami pa pala akong tanong.
Bakit kelangan nilang ipamuka sa akin na mas masaya sya sa piling nya? Bakit kelangan pa nilang ipagsigawan sa mundo, na ginawa lang naman nya akong panakip butas? Bakit kelangan pa nila akong kaawaan, dahil ako yung iniwan at hindi ako yung binalikan?
Masakit padin..hindi dahil sa gusto ko pa syang makasama, hindi dahil sa hinihiling kong ako na lang sana..
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, hindi ako sapat, hindi ako karapatdapat mahalin, hindi ako yung taong hanggang sa wakas pwedeng ibigin.
Nasasaktan ako dahil pakiramdam ko nagamit lang ako, ginamit lang ang pagmamahal ko para lang punuin ang pagkukulang ng iba, na ginamit lang ako para punan ang espasyong para naman talaga sa kanya.
Nasasaktan ako dahil sa pag-aakalang sa hinaba haba ng taon at pagkakaibigan namin, hindi sya ang taong wawasak sa puso kong binopas na ng nakalipas.
Pero..ganun ata talaga, minsan ang ituturing mong mamahalin hanggang sa huli, ituturing ka lang na kabanatang pang-wakas.
Comments