Dumating na ako sa punto na ayoko nang umasa pa..umasang darating din ang araw na makikitang muli kita, at sasambitin ang mga katagang, "mahal din kita".
Wala na akong Facebook, inunfollow na kita sa Instagram. Ngunit, hindi lumilipas ang isang maghapon na hindi ako magtatanong, "kumusta na kaya sya?".
Inuninstall ko na yungViber ko, para kung sakaleng magpadala ka man ng mensahe na namimiss mo ako, hindi ko na mababasa at iisipin na lang na kinalimutan mo na ako.
Binura ko na yung mga convo natin sa Messenger ko, para hindi ko na din mabalikan at basahin ang mga panahong nag aadik pa tayo sa isa't isa. Tutal, ilang buwan na rin ang mga yon, wala nang bisa, wala nang kahulugan at hindi na rin naman pwedeng masundan.
Kanina, naglakas loob akong burahin ang mga litrato na naka-save sa phone ko..Ngunit sa bawat scroll ko pakanan, para akong naglalakbay sa mga panahong napakatatamis ng iyong mga ngiti, na alam kong ako mismo ang umukit sa iyong mga labi. Masakit pindutin ang simbolo ng basura..dahil hindi ko padin kayang itapon ang mga alaalang, ayun lang ang natira, sa madaming araw na ikaw ay nakausap at nakasama.
Nakalipas na ang madaming buwan...bakit kahit burahin kita sa madami kong social media accounts, ikaw padin ang dahilan, kung bakit paulit-ulit padin akong bumabalik sa kalungkutan at katotohanan na, hindi ka na makikita pang muli? Ito na lamang mga matatamis mong alaala ang tanging yumayakap sa malalamig at nakalulumbay kong mga gabi.
Bakit kahit dumating ka lang sa buhay ko ng panandali, ang mga araw ng paghihintay at luha na ginugol ko para sayo humigit pa sa mga pahina ng encyclopedia?
Binura naman na kita sinta, bakit alaala mo padin ang kumakalantari sa isipan ko, punyeta?!?!
Binura naman na kita sa aking social media..bakit laman ka padin ng panaginip ko nang ala una y medya?
Wakas...sana.
Comments