Sa henerasyong laging nagmamadali, ang mga ipinanganak sa panahong walang pag aatubili, namamangha kung paanong oras ay tila napakaliksi. Bakit nga ba ang araw ngayo'y parang laging pagod at gusto'y gabi na lang lagi? Minsan aaraw, minsan kukulimlim, minsa'y presko ang hangin. Kadalasan, ang bilis ng tanghali. Ang dating siesta, ngayo'y puro na lang pagttrabaho at ayaw umuwi. Bilang ipinanganak sa huling dekada ng inosenteng pagkabata, mangmang sa mundo ng teknolohiya, may panahon na ang puso ko'y puno ng agam-agam. Bakit parang gaya ng panahon, ang tao ay nagiging pabigla-bigla, sa pagdedesisyon, sa pag-ibig at pag-aasawa? May isa akong kakilala, kaibigang matalik, kapatid kong turing. Ilang taon na lang, ang edad nya'y lilisan na sa kalendaryong Lunar. Galing sa relasyong matatag, ngunit nagdesisyon ang tadhanang wag ng tumagal. Sya'y naghahanap, nagmamadali, humihingi ng signo sa mga talang kumikislap, kung may pag-ibig nga bang para sa...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.