Skip to main content

Panahong Nagmamadali at Pabago-bago

Sa henerasyong laging nagmamadali,
ang mga ipinanganak sa panahong walang pag aatubili,
namamangha kung paanong oras ay tila napakaliksi.

Bakit nga ba ang araw ngayo'y parang laging pagod at gusto'y gabi na lang lagi?
Minsan aaraw, minsan kukulimlim, minsa'y presko ang hangin.
Kadalasan, ang bilis ng tanghali.
Ang dating siesta, ngayo'y puro na lang pagttrabaho at ayaw umuwi.

Bilang ipinanganak sa huling dekada ng inosenteng pagkabata,
mangmang sa mundo ng teknolohiya, may panahon na ang puso ko'y puno ng agam-agam.
Bakit parang gaya ng panahon, ang tao ay nagiging pabigla-bigla,
sa pagdedesisyon, sa pag-ibig at pag-aasawa?

May isa akong kakilala, kaibigang matalik, kapatid kong turing.
Ilang taon na lang, ang edad nya'y lilisan na sa kalendaryong Lunar.
Galing sa relasyong matatag, ngunit nagdesisyon ang tadhanang wag ng tumagal.
Sya'y naghahanap, nagmamadali, humihingi ng signo sa mga talang kumikislap,
kung may pag-ibig nga bang para sa kanya.

Ang palagi naming buyo, hamong wag mong madaliin at dadating din kung mamarapatin.
Ngunit sya'y mapilit.

Umibig sya sa dalawang kaibigan. Dalawang babaeng hindi nya gustong saktan.
Wala silang alam.
Parang araw na nagkukumahog, nalilito.
Gusto nyang hintayin ang preskong hangin, na may konting pag-ulan, ngunit mas malapit ang gabi.
Sinuyo ng gabi ang araw. Kumislap ang mga butuin at ngumiti ang buwan.
Hindi na nga nya nahintay ang isa.

Nang nalaman nyang paparating ang ulan, nilisan nya ang gabi at sumalubong sa nagbabadya.
Ngunit, ang dumating ay bagyo. Hinagupit sya ng matinding hangin at natubang bahagya.
Nilisan sya ng ulan, at nag-iwa ng matinding pinsala.
Paano na nga kaya? Di bale, andyan na ang gabi, bakit pa mag aatubili?

Natapos ang istorya, may nasaktan at lumayo.
Hindi ko mawari kung saan ako papanig, at maniniwala.
Kaibigan ko sila, at gusto ko na lang ipalagay, na ang araw ay sa gabi,
dumaan man ang bagyo, sila padin ang magtatagpo.

Ayaw ko na sana malungkot sa kwento...
Ang panahon nga nadedepress,sabi ni Ka Ernie Baron. (tropical depression sinasabi ko)
Ako pa kayang tao, nag uumapaw sa damdamin at puso!



Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...