Skip to main content

TANONGTONGTONG

Bakit ba natin inaadbans ang relo natin eh alam naman nating advanced sya? Paano na wwire sa utak natin na hindi ma late pag adbans ang ating oras, kung alam naman nating adbans nga sya in the first place?

Kung ang tissue ay galing sa puno, paano sya nagiging malambot, at swabe ipunas sa kung saan saang bahagi ng katawan?

Tingin mo mauubos ang tubig sa Earth? kasi hindi naman sya narerecycle..

Anong force ang nagpapatakbo sa selpon, bakit sobrang adik, to the point na hindi na mabuhay ang tao without it?

Bakit napakadaming apps sa Play Store?

Saan gawa ang graba?

Bakit tinawag na black friday? May maitim ba sa Biyernes?

Bakit hindi na lang gawing worldwide celebration ang Thanksgiving? It would make sense naman kung magkaron tayo ng sense of gratitude lahat diba?

Sino ba nakaimbento na magkaron ng ninong at ninang? Eh yung akin nga MIA sila lahat.

Sino din ang nakaimbento nung claw machine game sa mga arcade? ansarap nya lumpuhin. Baka maging senior citizen na ako di pa ako nakakakuha ng toy dun..puro isang mentos lang.

Antisocial ba ang nakaimbento ng earphones? Ano talaga original goal bakit ito ginawa?

Medyo madami akong tanong ngayon.Recently kasi, may friend akong andaming tanong,pang final interview. So tinanong ko din sya...pang planetary type of questions. Charot. Pero good reminder mga sinabi nya..it made me think about what I want to do next..:)

Wakas.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...