Syempre joke lang yung title! Sino ba naman ako para sabihing kaaway ko ang pinakamain roatd hukbong kamaynilaan. Nakikidaan na nga lang ako, ako pa nagrereklamo, mamaya lagyan nila ng toll gate yan bawat MRT station, edi lalo tayong na bv, baka mag aklas na tayo araw araw nyan.. Anyway, masyado nang mahaba yung kaartehan ko sa intro. Naalala ko, kahapon pala yung anniversary gn EDSA revolution, at kaakibat non, naalala ko ang mga karanasan na sa pagtahak sa EDSA ko lang na experience. Dati, nag bbus ako pagpasok sa trabaho at pag uwi,ngayon ewan ko bakit sinapian na ako ng kaartehan at katamaran, lagi na akong naka taxi. Ah alam ko na,medyo di pala kaya ng balat ko na mainit pag mga 10am na ako uuwi, alam naman nating lahat na ang araw sa ating bansa ay parang oven toaster na ngayon, hindi na lang ito nagbibigay ng Vitamin D, kundi nagbibigay narin ito ng amoy araw anit at init ng ulo, basang kili kili, singit, likod ng tuhod, at minsan kaakibat p nito ang biproduct ng bacter...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.