Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2018

TANONGTONGTONG

Bakit nga ba kelangang naka belo ang mga kababaihan sa tuwing magsisimba, noong unang panahon? Baka lamukin ang muka? O dahil kelangan nila magtago? Kanino? Bakit hindi na ito nakakagawiang ngayon? Bka kasi mainit? Bakit bilog ang siopao? Bawal ba ito maging square? Sino nakaimbento nung Mobile Legends? Hayst. I can't express my exasperation towards the game. Saan pinaglihi si Kokey? Bakit mainit sa Pilipinas? Bakit may mga mukang nakakainis, kahit wala naman silang ginagawang masama? Ito ba ay senyales na pupunta ka sa impyerno? Ang katawan natin, kusang naglalagas ng mga cells na di natin kelangan, dead skin cells at all, pero bakit fat cells hindi iniluluwa ng ating katawan? hayst. clingy. Paano nanganganak ang uod? ang pagong? sakit non!!! Nanganganak ba ang corals? Paano na ang mundo pag napuno ng basura? Marapat ba nating sisihin ang nakaimbento ng plastic? Hirap mag isip pag mainit.

The Era of Online Shopping

Sa panahong buryong buryo ka dahil ang init sa labas, nakakatamad lumabas para bumili ng isusuot mo para sa event over the weekend, or swimsuits na isusuot mo sa getaway nyo ng family or frenniebels. Ang sagot sa napakalaki nating problema ay!!! ONLINE SHOPPING. Naglipana ang mga nagbebenta ng kung ano ano sa internet, Lazada, Shopeee, Zalora, IG, FB, at kung ano ano pang sites na puno ng kababalaghan.Mula sa herpin, lampin ng bata, napkin, shampoo, tissue, twalya, jodorant, aquarium, isda, toyo, patis, bag,make-up, sofa, kobre kama, ahas, unan, seashells, pacific ocean, pampalaglag, pampakinis ng balat at budhi, pampalaki ng armas, pampaputi ng kalooban, panlinis ng mabahong intestines, inihaw na manok, at kung ano ano pa. Name et! Kahit anong hanapin mo, meron yan sa net! Pero hindi kasi talaga mapapalitan yung feeling na mamili ka at kumausap ka ng ate at kuyang nagbebenta sa palengke (kahit di ako namamalengke, sa bangketa lang ako naka try), or mga pa free taste ng bagong brand n...

Nawawalang Musa

Nung mga nakaraan buwan, napakaganda ng daloy ng ideas! Parang bagyo, bumubuhos na parang ulan, ayaw tumila..pero katulad ng panahon, di mo alam kelan titigil at lilisan. Ayun, lumisan nga,na parang hangin na umihip ng malakas, sabay wala ng paramdam,parang mga lalake. It's a big mystery to me, how and why ideas could be so mailap even you wanted to write and write and just write about anything. Just like before, kahit putik kaya kong gawan ng essay! Hindi na katulad ng dati na umulan lang, andami ko nang naiimagine na mga characters na pwedeng ilagay sa short story! yea!! nag sshort story pa ako dati. Now, Gaaaaahd! my attention span's short like pototoy of a baby. Goodnes!! I dont know what to do. It's like almost 2 months, na wala talaga akong matinong mahabi na joke. Ang hirap. Kung alam ko lang pano nag wwork ang utak,bumili na ako ng madaming coke at pepsi, para i fuel yung brain cells ko to work 200x more than its usual function. Dati sumakay lang ako sa grab ...

Visita Iglesia 2018

It ’s the time of the year again! of steamy, humid weather, people flocking in different bodies of water..dagat,lawa,ilog,sapa, baso ng tubig o paso, at kung san san pa. Mainit beshie! Samahan mo pa ng dumadaming bata na sinisilang at humihiyaw na ang init sa Pilipinas, araw araw. Naurong na ata ang Pilipinas, nasa tabi na sya ng planetang Mercury,at malapit na tayo sakupin ng mga aliens na parang kandilang nallulusaw ang ichura. Pero hindi naman yun yung issue natin ngayong araw. Magkkwento lang ako ng kaganapan sa pangalawang taon na nag visita iglesia kami ng pamilya ko. As usual,parang picnic na naman. Yung nanay ko di napipirmi na walang dalang food sa sasakyan. Kasama namin yung isang friend ni tito, this time, na may pagtingin at buong araw nyang ka chat yung dati kong ka team sa dati kong kumpanya na pinagttrabahuhan.Anyway,hindi ulit yan ang topic natin, kundi yung mga magagandang simbahan na dinalaw namin ngayon taon. Dahil lahat ng simbahan eh first time kong mavisit, ma...

Yung Minsan...

May isang araw na sa gitna ng pagkuha ko ng litrato ng magandang tanawin, naalala kita. Naalala kong hindi na kita makikita. Sa buhay na to,wala ng pag-asa na ikaw pa'y maging akin. Ganun pa man, may ngiti padin sa mga labi, nagpapasalamat na minsa'y naranasan kong makapiling at makatabi kang lagi. Hindi man pang habangbuhay, pero ang alaala mo sa puso't isip ay . Alam kong masaya ka na, iniwas ko man na alamin pa ang bawat detalye, pero alam kong nasayo na lahat ng maari mo pang hilingin. Hindi ko man maiwasan malungkot ng bahagya, hindi naman ito tanda ng pagkasawa.. sa pag alaala ng mga masasaya nating nagawa. Wala na akong ibang kayang isipin pa, kundi pintahan na lang na makukulay na tinta, ang mga ulap na mabigat at tila gusto nang lumuha. Pero sa kabila ng bawat kalungkutan, hindi natin maipagkakaila, na ang mga okasyong naiisip kita, ay tanda lang na ako'y dadatnan na. PMS lang pala besh. sakto nagccrave ako ng mangga, samahan mo pa ng bag...