Skip to main content

The Era of Online Shopping

Sa panahong buryong buryo ka dahil ang init sa labas, nakakatamad lumabas para bumili ng isusuot mo para sa event over the weekend, or swimsuits na isusuot mo sa getaway nyo ng family or frenniebels. Ang sagot sa napakalaki nating problema ay!!! ONLINE SHOPPING. Naglipana ang mga nagbebenta ng kung ano ano sa internet, Lazada, Shopeee, Zalora, IG, FB, at kung ano ano pang sites na puno ng kababalaghan.Mula sa herpin, lampin ng bata, napkin, shampoo, tissue, twalya, jodorant, aquarium, isda, toyo, patis, bag,make-up, sofa, kobre kama, ahas, unan, seashells, pacific ocean, pampalaglag, pampakinis ng balat at budhi, pampalaki ng armas, pampaputi ng kalooban, panlinis ng mabahong intestines, inihaw na manok, at kung ano ano pa. Name et! Kahit anong hanapin mo, meron yan sa net! Pero hindi kasi talaga mapapalitan yung feeling na mamili ka at kumausap ka ng ate at kuyang nagbebenta sa palengke (kahit di ako namamalengke, sa bangketa lang ako naka try), or mga pa free taste ng bagong brand ng longganisa sa superkmarkets! Diba? Can you feel me?

Hindi ko alam sinong tamad ang nakaisip, netong napaka brilliant na ideya! Pero nabiktima na din ako netong nakakaadik na penomenang ito eh! Like like, add to cart. Like like, scroll, scroll, Add to cart, Sign out. Wala pala akong pera. hahaha. Nakakaubos sya ng pera beshie! tuwing ssweldo ako, meron akong bagong set ng damit na colorful, at na mga accessoriesat swimsuit! oh pak! tumu two piece ate mo. Pero syempre nung kabataan pa natin yun, dahil ngayon eh 2 piece chicken na lang ang kaya nating ipag yabang, minsan isang bucket pa! kayang kaya natin bilhin yan, pero di natin kaya mag work out! hahaha. Charot lang. Excuse me padaan lang, nag iintermittent fasting ako, at infurr mga kaberks, nag lose na ako ng significant number. :) Sabi nga ng frennies natin sa kapanalig, pumapayat na me.

Pero hindi naman natin topic yung weight ko. :D

Ayun nga, pero syempre kaakibat ng ating rumaragasang teknolohiya (rumaragasa? baha lang?), I mean!! mabilis na pagbabago sa teknolohiya, ay may kapatid ito na pinanganak 3 days after nya, ang innovation. At syempre ang law of supply and demand. Meaning, dahil madaming tamad like me, napakadali mag shopping sa mga smartphones natin!Ibang level talaga ang utak ng mga businessmen and women, bantay salakay eh!

At syempre, isa din tayo sa mga nagbebenta, tama lang na tangkilikin din natin ang produkto ng kapwa nating mga nagbebenta. Nabasa ko to before, dapat ang mas tinatangkilik nating nagbebenta is yung mga may microbusinesses na mga tao, tipong mga nagbebenta sa kalye na limang pirasong okra lang, para lang makatawid lang sa araw ng gutom. O makapagdala lang ng kahit kaunting pambili ng kanin o pancit para sa pamilya nila. Hayst. Natatandaan nyo si FPJ? lagi sya nag uuwi ng pancit sa nanay nyang may sakit! At for sure! nako may matetegi sa pelikulang Pilipino na yon! Susmaryosep.

Speaking of!! May pancit din sa lazada, pang pancit, chaka me pang chicken na din don! Idedeliver na sayo. Meron na din ganon!Online grocer, yung Honestbee chaka pushkart.com ata yon. Kung tinatamad ka talaga ng bongga, dalawin mo tong mga to. Haymarya. Nakaka promote lang to ng katamaran at gastos!! juskolorde. Nakakaubos ng sahod pag trip na trip mo mamili eh, tas di mo din naman gagamitin agad.

So ano nga bang point ko? Wala. naisip ko lang na ang buhay natin ay naninirahan na sa karagatan ng impormasyon ng internet! Pwede na tayong maging Avatar! At sabi ni Ross sa FRIENDS, at totoo na to! me robot ng mukang tao, si Sophia. So ang logic non, pwede mo na i save yung consciousness mo sa computer at isasalin yun dun sa robot na mukang tao! Susmarya, and you can live for as long as you want! in different bodies. At nasa market na din si Sophia. Reasearch mo na lang sya, bnbenta na sya.


Matulog na tayo, Kung ano ano lang to eh. hahaha.

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...