Skip to main content

Visita Iglesia 2018

It’s the time of the year again! of steamy, humid weather, people flocking in different bodies of water..dagat,lawa,ilog,sapa, baso ng tubig o paso, at kung san san pa. Mainit beshie! Samahan mo pa ng dumadaming bata na sinisilang at humihiyaw na ang init sa Pilipinas, araw araw. Naurong na ata ang Pilipinas, nasa tabi na sya ng planetang Mercury,at malapit na tayo sakupin ng mga aliens na parang kandilang nallulusaw ang ichura. Pero hindi naman yun yung issue natin ngayong araw. Magkkwento lang ako ng kaganapan sa pangalawang taon na nag visita iglesia kami ng pamilya ko. As usual,parang picnic na naman. Yung nanay ko di napipirmi na walang dalang food sa sasakyan. Kasama namin yung isang friend ni tito, this time, na may pagtingin at buong araw nyang ka chat yung dati kong ka team sa dati kong kumpanya na pinagttrabahuhan.Anyway,hindi ulit yan ang topic natin, kundi yung mga magagandang simbahan na dinalaw namin ngayon taon. Dahil lahat ng simbahan eh first time kong mavisit, may freeeee wishes ako!!:) At dahil naniniwala ako sa loyalty and consistency. Iisa lang ang wish ko sa lahat. Parang paghuhulog lang ng sachet ng lucky me sa drop boxes located in your favorite supermarkets, the more lucky me you eat and entries you send,the more chances of winning! Kaya ano pang hinihintay nyo,sali na!

Nagsimula kami sa may San Juan area, Santuario del Santo Cristo at natapos sa kambal na simbahan ng Our Lady of Loreto Parish Church at St. Anthony Shrine sa Sampaloc. Eto yung ibang pikchurs!:) 

1) Santuario del Santo Cristo - San Juan City



 2) Santa Clara de Montefalco Church - Pasig City



3) Nuestra Senora de Gracia Church - Guadalupe, Makati city



4) Malate Church 



5) Binondo Church 


6) San Fernando de Dilao Parish or Paco Church


7) Loreto Parish Church - Bustillos 

8) Saint Anthony Shrine


Hindi na ako magmamarunong kung anong klaseng arkitektura yung facade ng mga simbahan na dinalaw namin, kasi kahit ibahin nating ang format ng intestines ko sa katawan, hindi ko din naman maintindihan ano ang Baroque at kung ano ano pang istilo ng paggawa ng simbahan. Basta ang alam ko,gustong gusto ko ng feels ng mga malalaking simbahan,lalo na yung luma at merong paintings sa kisame. Kasi sinong lamang lupa ang hindi mamamangha sa paintings na nakikita mo sa itaas? Ang hirap iimagine pano ginawa ng mga magagaling na pintor yung mga perfect face ng mga santo and santa, at mga banal na nilalang na hindi ko naman kilala lahat. :p basta hindi naman sila masasama sa magic number na naidrawing sa mga kisame at dingding kung wala lang sila, diba?

Sa totoo lang, hindi ko alam anong essence ng visita iglesia. I do it because my family says so. Simpleng ganon lang. Sasabihin mo what kind of person am I?Am I doing for the gram? Nope. Although, it makes my gram look nice with all those magnificent facade that I admire. So para di ako manatiling mangmang, ano pa bang dapat gawin kundi tanungin si Google? Ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng bolang kristal. Maliban kay Siri at Oracle of Delphi, si Google ang may pinakamaraming kasagutan na madalas literal at di mo na kelangan maging matalino parai figure out ang mga bugtong at kasagutan sa mga katanungan mo sa buhay. Andami ko na sinabi. So, ayon sa kanya,ang visita iglesia ay ginagawa upang maging banal at patawarin lahat ng mga kasalanan at makikiapid ng mga tao,na usong uso ngayon. Pero syempre joke lang yan, inimbento ko lang yan.

Napagalaman kong mali ang ginagawa ng pamilya ko.:D

Ayon sa wikipedia na di tayo sure kung gawa gawa lang din ng mga henyong mortal, and Seven Churches Visitation daw ay ginagawa sa gabi ng Maundy Thursday, after ng last supper. Pwede namang hindi seven,minsan daw kung ilan bet mo, basta dadasalin mo yung sakramento sa bawat simbahan na dadalawin mo. (Lord’s prayer,Hail Mary at ang gloria Patri)Pwede ding stations of the cross.

Nag originate daw ito sa Roma, at ang pasimuno ay si Sir Philip Neri noong 1553. Ginagawa ito ng naglalakad, dahil noong unang panahon ang mga simbahan ay magkakatabi or magkakalapit lang.

Nagbasa pa ako ng ibang kultura, so pwede palang Good Friday!:D Tama ang pamilya ko. :D

Andami pala nyang variation. So depende na yan sa paniniwala mo kung anong gagawin mo sa mga panahong anniversary ni Jesus ng pagkamatay nya sa krus.

Bilang isang tao na naniniwala sa relihiyon at siyensya, hindi ko lubusan iwinawaksi ang posibilidad na hindi tayo galing kay Father Adam at Mother Eve, at hindi ko rin sinasabi na hindi totoo na galing tayo sa mga unggoy. Kasi isipin mo na lang, ang mga unggoy ngayon ay mga delayed telecast ang evolution ganon ba? Wala akong point, alam ko. hahaha. Innate na lang talaga sa tao na may paniniwala sa Higher being, na maari nating hingan ng tulong at maniwala na gagabayan tayo sa mga pagsubok ng malupit na mundong ating ginagalawan. Bow.

Hindi pa kami tapos mag church hopping. Kinabukasan,Black Sturday, nagpunta kami sa Monasterio de Tarlac, Church of the Risen Christ. Kamuka sya nung nasa Rio de Jainero sa Brazil.




Dati hindi ganyan, walang viewing deck. Isa lang syang malaking estatwa don sa gitna ng malaking hardin. Mas gusto ko yun dati. Kesa yung ngayon na parang ginagawa na lang syang tourist attraction na para lang makapag pikchur don. Who am to judge anyway? Hindi na lang ako mag ccomment. haha

Kinabukasan ulit. Nagsimba kami dun sa church sa may MOA.


Gabi na eh. Ganyan na lang.:D tas nag chill kami sa seaside at pinagmasdan ang malaking buwan na bilok. :)

Sa panahon ng Lent. Isa lang ang hiniling ko, at di ko sasabihin. Pero sana lahat ng tao, nakapag reflect na sa kabila ng pagkakahati hati natin sa relihiyon, sana mangibabaw ang nag iisang bagay na lahat tayo ay meron, ang kabutihang loob. Sana hindi na natin pagibayuhin pa ang pagiging makasarili at pagkakanya kanya, dahil sa huli,tayo lang din naman ang magtutulong tulong para ma preserba ang ating lahi! Bka kasi maging dinosaur tayo, extinct na sa mukha ng planetang ito. 

Spread some love fluffy earthlings! 



Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...