Skip to main content

Nawawalang Musa

Nung mga nakaraan buwan, napakaganda ng daloy ng ideas! Parang bagyo, bumubuhos na parang ulan, ayaw tumila..pero katulad ng panahon, di mo alam kelan titigil at lilisan. Ayun, lumisan nga,na parang hangin na umihip ng malakas, sabay wala ng paramdam,parang mga lalake.

It's a big mystery to me, how and why ideas could be so mailap even you wanted to write and write and just write about anything. Just like before, kahit putik kaya kong gawan ng essay! Hindi na katulad ng dati na umulan lang, andami ko nang naiimagine na mga characters na pwedeng ilagay sa short story! yea!! nag sshort story pa ako dati. Now, Gaaaaahd! my attention span's short like pototoy of a baby. Goodnes!! I dont know what to do.

It's like almost 2 months, na wala talaga akong matinong mahabi na joke. Ang hirap.

Kung alam ko lang pano nag wwork ang utak,bumili na ako ng madaming coke at pepsi, para i fuel yung brain cells ko to work 200x more than its usual function. Dati sumakay lang ako sa grab car, marinig yung mga kantang naaassociate ko sa mga nilalang na dumaan sa buhay ko, kaya ko na magsulat ng makabagbag damdamin, pwedeng talunin si Ate Charo o kaya si Bela Padilla na hugot queen na ngayon. Onga di ko pa napanood kahit isa sa mga movies nya, ng makita kung saan ako nagkulaaaaang?
 Char!

Alam ko na bakit!!

Para lang tong attachment ko sa tv series na FRIENDS. Di ko kaya manood ng ibang movie o series hanggat di pa sya tapos. Nakakalungkot nga na pag nag yyoutube ako eh nakikita ko yuhng cast na matanda naaaaa, ang hirap mag move on sa idea na nalipasan na sila ng 20 years simula nung ginawa nila yung show. Oooops! Naiiba yung lihis ng rant ko.

Wala naman konek yun, pero please naman Cerulean at nakalimutan ko yung pangalan nung isa kong muse. Shet! What kind of person am i!!!Please lang bumalik na kayo,let's make good memories together. Balak ko na mag awol,kelangan nyo kogn samahan. Dahil ayaw ako payagan mag resign ng boss ko, na akala mo hawak nya ang buhay ko. Nanay ko nga di naman ako pnpigilan mag resign! Who is he to stop me? char!

That's a thing I dont want to elaborate more. Masyadong masakit, komplikado at baka maudlot ang mga planong binuo ko kasama ng sarili ko.: d Mahirap na mang damay ng iba.

Umaasa padin ako na dadatingang araw na hindi na aalis ang mga musa, at magdidiwang kami sa bawat araw na bubuksan ko ang laptop ko kung saan man ako abutan ng tadhana.

See you sooooon muses! I'll be good I promise!:)

Comments

Anonymous said…
#1 Joke Alert: word is Jalapeno

Use it in a sentence: "Wag mong talikuran, Jalapeno!"

#2 Joke Alert: Write a scary title using 3 words

"No internet connection."

"Welcome to Hell!"

"Do not blink"

"You're being audited."

"No toilet paper."

#3 Joke Alert: What is the english of manananggal?

Answer: Half-sister!

ICE ba? Thanks!

RV said…
HAHAHA. SIGE PWEDE NA BESHIE! Ano pang baon mong jokes dyan?:)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...