Hindi ako morning person. Never in my adult life, have I greeted Mr. Sun "good morning". Maliban sa mainit pag umaga, madaming factors ang kaakibat ng dayshift ang hindi ko kayang itolerate. Numero uno na yung lagkit factor, at ang nakakapunyetang traffic sa lahat ng lugar sa kalakhang Maynila. Sumunod ang realidad na araw araw ipaamuka sayo na OVERPOPULATED at sobrang crowded na sa NCR. Siksikan, amoy pawis, amoy kahapon, amoy kaluluwa ng kinain na almusal, minsan amoy ng kumakalam na sikmura..maasim yun. Hindi ko alam paano ako makakaipon ng lakas at wisdom para lang mamuhay ng normal ang circadian rythm- gising sa umaga, tulog sa gabi. Sabi ko sa sarili ko, hanggat kaya kong magtrabaho ng gabi, at nagbibigay ng maginhawang sweldo, gagawin ko. Hindi ako nababagay sa dayshift na pamumuhay, kasi magiging grumpy lang ako lagi. Ngunit, subalit, datapwat, ang buhay ay sadyang sutil, parang dalawang puyo. Nag offer ang tadhana ng better compensation package, at challenging rol...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.