Meron ako mga tanong sa buhay na sana may sumagot sa akin na human being, instead na si Google. Sana dumami katulad ng nanay ko, na pag tinanong mo anything under the sun, meron yun isasagot kahit pa di nya alam yung tanong mo. Meron syang sagot sa lahat, politics? food? current events? latest chika sa neighborhood, ultimo school events nyo alam nya! Pero joke lang yun. hahaha.
Anong pinagkaiba ng rebond at relax?
Anong pinagkaiba ng wansoy at kinchay? Bakit mas mahal ang wansoy?
Paano nagiging bilog ang talong?
May gender pala ang bell pepper?
Sino nagpapangalan sa mga bagyo? 2018 na guyth, hanggang ngayon ba stuck na tayo sa pangalan na Domeng? Insyang? Tonyang? Banang? Bakit hindi natin gawing, Britney, Beyonce, Shakira?
Ang gloomy na nga ng panahon, bibigyan mo pa ng pangit na connotation yung mga pangalan na nagtatapos sa NG. Ipangalan sa artista! Sa presidente! napakadaming pangalan sa mundo, na maganda ang tunog. Bigyan naman natin ng konting saya ang bagyo. Hustisya! Para naman ang Sopas or Champorado season natin ay kasing banayad ng whiskey ni Mang Dolphy. Oha! rhymings!
:p
Feeling ko kaya nagkakaron lang ng masalimuot na konotasyon ang rainy season, kasi hindi lahat nabibiyayaan ng matitibay ng bubong. Parang bubong namin, dami pala butas, ngayon lang namin nalaman..dami tulo besh, parang talo namin pa fountain sa EDSA Shangrila o kaya Manila Peninsula. Lawa na ah!joke lang.. palanggana lang sapat na. :) Eto yung isang rason..perwisyo kasi sya hindi dahil yung ulan mismo yung nakakabuset, kundi yung mga events na nagaganap dahil sa kanya. Baha, hindi din naman kasalanan ng ulan na pangit ang drainage system ng Pilipinas iba? Hindi din kasalanan ng ulan, na ang koche natin ay lowered. Wag tayo mag judge na malungkot ang ulan. Bakit nung summer ba sinisisi mo ang araw? Hindi, nagbilad ka pa nga na naka 2 piece lang suot mo.
Ang panahon ng payong at kapote ay yearly dumadaan, maanong paghandaan sya ng lahat, lalong lalo na ang gobyerno at tao. Ayusin nila ang drainage, at ang mga tao wag magtapon ng basura kung san san. Pareho pareho lang din naman tayo napperwisyo,sa huli magtuturuan pa sino may kasalanan. Bakit di na lang kasi maging responsable ang lahat? Bakit hindi gumamit ng mga reusables, example wag na gumamit ng plastic straws..Makakainom ka naman ng sopdrings na walang straw!
Suportahan natin yung mga nagsimula ng mga movements na gumamit ng mga reusables instead na plastic..Hindi lang din naman tao ang naaapektuhan nito, pati marine life at buong ecosystem at food chain sa Earth.
Isipin mo, nagsimula lang to sa pinagkaiba ng Wansoy at kinchay. Saan na ako umabot? Naging environmentalist na ako real quick!
Sakit sa ulo!:D

Comments