Skip to main content

Anong bang Saysay ng Suicide hotlines?

Netong linggo lang na ito,napabalita ang pagpapakamatay ni Kate Spade at Anthony Bourdain. Dalawa sa mga sikat na personalidad sa kani kanilang larangan. Madami na ring napabalita ng mga nakaraang taon na mga kilalang mga tao, na nagpapakamatay sa naparami, pero hindi natin alam na kadahilanan.

Tayong mga nakakarinig, nalulungkot tayo, oo. Iniisip natin na kawawa naman yung tao, pero bakit hindi man lang nila naisip ang mga anak, kapatid, magulang mga mahal nila sa buhay na iniwan nila. Feeling natin ang selfish nila, for leaving this world without fighting enough to be better.

Dumaragsa ang mga efforts para maiwasan na tumaas pa ang suicide rate hindi lang sa ating bansa,kundi sa buong mundo. Naglipana ang mga diskurso para maiparating sa mga tao paano malalaman na ang mga tao sa paligid natin ay mayroong suicidal tendencies. At iisa lagi ang nasa dulo ng mga adverts na naglalabasan...tumawag sa mga hotline numbers kung kelangan mo ng kausap.

Medyo bullshit to para sakin. We are in a democratic country, this is my space, leave this page if you you find any of my content offensive. Inuulit ko, bullshit para sakin ang hotlines. Bakit?

No man is an island. Meron tayong mga tinatawag na introverts, weird loners, pero lahat ng mga yan, me kaibigan may pamilya, o may kahit isang maituturing na pagkakatiwalaan ng buhay nila. Bakit pa natin kakailanganin tumawag sa mga hotlines at makipag usap sa mga di natin kilala, kung tayo mismo, magsimula sa sarili natin,maging open sa mga taong mahal natin. Reach out! Always be available to listen. And even a small act of kindness sa mga hindi mo kilala, it will make that person feel that they are not forgotten in this cruel world. If we really want to decrease the number of suicide in this world, we need to reconnect with each other. 

Isa sa mga naging adverse effect ng advanced technology natin is, instead of bringing people closer together, lalo tayong nagkawatak watak. Yes, it is very useful sa any kinds of LDR sa mundo,pero ang mga tao na malapit satin, we tend to forget about them. We tend to feel aloof,some times, dahil hindi na natin alam paano mag approach, maki bond face to face. Lahat ng chismisan/ catch up nagiging digital na, in different forms; group chats, group video calls, etc. Pero pag pinag harap harap mo, hindi din makikipagusap sa isa't isa. Mag cchat padin gamit ang social networking sites. 

Tama nga si Albert Einstein sa kinatatakatakutan nya noon, eto sabi nya, "I fear the day that technology will surpass our human interaction. The world will have a generation of idiots." dagdagan natin..a generation of idiots which feel more than alone in the history of human existence. 

Nawala na yung saya at excitement na dala pag nagkikita kita kayo ng barkada sa kalye, maglalaro, laabas ng sama sama, na walang sagabal sa teleponong lagi nating hinuhugot sa bulsa at tinitignan kung merong nakaalala satin. Lahat na ba naging socially awkward?

Ang punto ko, hindi natin kelangan makipag usap sa estranghero, kung tayo mismong magkakasama (in close proximity), eh iingatan natin ang isa't isa. Always be kind, dahil hindi natin alam ang dinaramdam o kinikimkim ng bawat isa. Let's stop wearing the mask of happiness if we are not. It its ok to be sad, to feel miserable, because that's really how life is. Unfair, hindi lahat ng bagay nakukuha natin. But we can be there for each other, talk about what's bothering us. Wag tayong matakot na makinig, dahil natatakot tayong baka wala tayong maitulong sa iba. Dahil ang simpleng pakikinig,at hindi pag judge sa tao,ay malaking tulong na. Maiparamdam mo lang sa kapwa mo na hindi sya nag iisa, na andyan ka lang para samahan sya shumat sa kanto, ok na yun. O kaya yung nakagawian nyong asaran, let's not lose touch, or burn bridges. Ayaw nating magsisi kapag huli na ang lahat.

Ugaliin sana nating magbigay o magsabi ng mabubuting bagay sa isa't isa. Hindi yung gagawin lang natin to pag wala na yung tao. Hindi naman na maibabalik ang buhay na nawala, sa mga salitang mabulaklak,na sana'y nasabi noong nabubuhay pa sya. Never judge a person, dahil hindi mo naman alam anong pinagdaanan nya just to be where he/she is now. 

I hope we go back to our roots. To hold each other's hands in times of happiness, and especially in times of distress. Let's not just be a spectator of how other people lose their light, let's walk side by side, and tell each other, that we are all integral part of this world, and that no one is alone in the dark.

I wish we can all do that. :(

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...