Skip to main content

Normal na Tao na daw Ako

Hindi ako morning person. Never in my adult life, have I greeted Mr. Sun "good morning". Maliban sa mainit pag umaga, madaming factors ang kaakibat ng dayshift ang hindi ko kayang itolerate. Numero uno na yung lagkit factor, at ang nakakapunyetang traffic sa lahat ng lugar sa kalakhang Maynila. Sumunod ang realidad na araw araw ipaamuka sayo na OVERPOPULATED at sobrang crowded na sa NCR. Siksikan, amoy pawis, amoy kahapon, amoy kaluluwa ng kinain na almusal, minsan amoy ng kumakalam na sikmura..maasim yun. Hindi ko alam paano ako makakaipon ng lakas at wisdom para lang mamuhay ng normal ang circadian rythm- gising sa umaga, tulog sa gabi.

Sabi ko sa sarili ko, hanggat kaya kong magtrabaho ng gabi, at nagbibigay ng maginhawang sweldo, gagawin ko. Hindi ako nababagay sa dayshift na pamumuhay, kasi magiging grumpy lang ako lagi. Ngunit, subalit, datapwat, ang buhay ay sadyang sutil, parang dalawang puyo. Nag offer ang tadhana ng better compensation package, at challenging role kabuhayan showcase. Hindi ko tinanggihan.

So naka 1 week na ako since I started. Ok ang work. Halos walang bawal. Ikaw bahala pano mo ihhandle ang work mo, imamanage yung time to meet your quota. Ayun lang ang meron, mag sset sila ng quota for you. Ikaw na bahala pano mo mameeeet yun. They taught me the basics for 2 days. The following day, they already asked me to work on something. Talk about fastpaced environment. Hindi sila nagmamadali..haha.:p

Sa ibang aspeto naman ng buhay, mabango ang office. May malalaking aquarium, at madaming artworks si BenCab!!!!Shala diba? Frenniebels pala ni bossing ang famous artist! Nag ooffice sila sa hotels. Isang sikat na 5 star hotel yung career center nila, yung isa start up hotel. Parehong nasa Ortigas. Swabe diba? Tapos recently, may pa Sportfest si mayor. Wala akong nilaro, audience lang ako. Then after, merong pa Vikings ang mayor! Dinner pa. Ang swabe lang. Hindi nga ako nagkamali ng pagtanggap netong trabahong to.

Nag eenjoy ako sa work. Very challenging. Yung oras lang talaga. Kasi after work, parang wala na akong nagagawang iba. Maliban sa twice a week na pagdeliver ng orders. Hindi na ako nakaagawa ng iba pang bagay. Although, feeling ko naman nasa adjustment period pa ako. Pag nasanay na ako, madami na akong pwedeng gawin, katulad ng pag eenroll sa yoga or kung ano pa mang pwedeng gawin para pumayat. :p

Nag start na din ako ulit ng intermittent fasting! Ok naman, talagang comfy yung katawan ko sa fasting, kasi wala akong naffeel na adverse effect, chaka I feel lighter each day. Pero! yung bowel movement ko adjusting padin. Before twice a day ang session ko, ngayon naging isa na lang. Dahil hindi pa conducive to poooping yung new office. Hirap. Ganto pala maging normal na tao.

Anyway, ayun palang ang new update sa buhay ko. Sa susunod na panahon, I'm sure mag iiba na din naman ang pananaw ko sa buhay.:D

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...