Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2011

ARE YOU A CRAB?

Ito ang karugtong ng nauna kong entry...kahapon.:) Kanina lang kasi ako nanood ng tb matapos ang ilang dekada na computer at malaking keyboard ang kaharap ko, nakanood din ako ng tv...Di ko alam kung gusto ko lang haybladin sarili ko dahil sa ANC ko nilipat ang channel. Storyline ang palabas. Sakto namiss ko ang show na to...Di ko nasimulan pero parang na gets ko naman ang kwento... Iniinterview ang asawa ng isang pulis na binaril ng mga di kilalang tao. From the looks of it, eto opinion ko lang naman, ang mga taong gumagawa ng ingay para mapansin,makapaghatid ng impormasyon at imulat sa katotohanan ang mga tao...sila pa yung nawawala, naaksidente o napapatay.Kung iisipin, it makes all the sense in the world... ang pagkawala nila ay hindi pawang coincidence lang. Sinasadya yun dahil tinutuligsa nila ang may kapangyarihan.Kelan ba magkakaron ng justice sa Pilipinas? Kelan matatapos ang napaka laking crab mentality? Siguro pagkatapos ng EDSA 21,000 na? Sa kalungkutan na naramdaman ko d...

ANG PILIPINAS AT KABAGYUHAAAAN BOW

Sa isang taon, merong 12 buwan, 4 na linggo sa bawat buwan, 7 araw sa bawat linggo at 24 oras sa bawat araw. Alam kong alam mo na to, gusto ko lang sabihin para kunwari cool ako.hahaha.Dahil nakalimutan ko na bakit ko to ginagawa itong bagay na to, kahit na lang ilalagay ko... Nakalipas na ang 2 taon matapos ang trahedya na dulot ng bagyong Ondoy. Naalala ko pa party party pa kami dito sa bahay dahil di natuloy duty namin, masaya pa kaming pamilya na kumakain at nanonood ng movies dahil walang pasok..:)) Tapos biglang pagkita mo sa news, ang taas na pala ng baha sa iba't ibang dako ng Pilipinas lalo na dito sa kamaynilaan. Madaming namatay, madaming ari arian ang nasira, madaming buhay ang nasira dahil sa bagyong ito. Pero masasabi mo ba sino ang mya kasalanan sa usaping ito? 2011 na, malapit na nga matapos ang taong ito ee, pero walang patawad, may pahabol pang bagyo...Welcome to the Philippines Sendong.!!! handang handa na naman ang Pilipinas sa pagdating mo. Sa kasalukuy...

NAISIP KO LANG NAMAN..

Ang bagay na ito ay hindi naayon sa panahon natin ngayon gabi...Una, dahil hindi umuulan, pangalawa paki ko naman dito e di naman na ako studyante? Pero! bilang isang 'future parent' (excited masyado?) alam kong hindi water proof ang mga students simula elementarya hanggang kolehiyo. Ang bagyo sa Pilipinas ay alam nating dumadating sa mga buwan na may -ber. Alam ng lahat yan, sasara lahat ng butas sa katawan mo pag di mo alam to. Pero may mga paghahanda bang ginagawa ang gobyerno? Sabihin na din natin pati tao, baka kasi sabihin mo sinisisi ko na naman lahat sa gobyerno e. May mangila ngilan na naghahanda para sa mga panahong to pero karamihan? Ewan ko lang. Mabalik tayo sa pagiging water proof ng mga studyante. Ano ang kaadikan meron ang DepEd at CHEd bakit sila nag ssuspend ng klase pag tanghali? Di mo alam kung bakit? Sige bibigyan kita choices... a) na-late ng gising yung secretary b) mahina lang naman yung ulan sa lugar kung nasan yung secretary c) nakakatamad kumil...

PEEPING TOM

Sa araw araw na buhay ng mga Pilipino, walang pinipiling lugar ang 'activity' na tinatawag na chismisan..:) Unang una sa lahat, di ako nagmamalinis dahil di naman talaga to naiiwasan, pwede mong ipalusot na palitan ng kuro kuro lamang ito ngunit kahit baliktarin mo ang damit ng lahat ng tao, chismisan padin yun. Define. Ang salitang gossip oh chismis ay nagpapatungkol sa pag uusap tungkol sa publiko at pribadong aspeto ng isang tao na kilala ng mga gumagawa ng misteryosong gawain na ito.Isa itong pagsasalin ng mga kwento mula sa isang tao papunta sa iba. Usually, ang chismis ay tumutukoy sa mga bagay na di naman talaga nakita nung taong nagkkwento, maaring narinig lamang nya ito sa iba, naikwento sa kanya. In short, walang kongkretong basehan kung totoo ang mga ito o hindi. Alam naman na nating lahat yan e, pero ang nakakatawa lang naisip na ba natin na wala naman tong pwede maidulot na kabutihan?OO. naisip na nating lahat yan, imposibleng hindi, pero may mga tao paring g...