Skip to main content

PEEPING TOM

Sa araw araw na buhay ng mga Pilipino, walang pinipiling lugar ang 'activity' na tinatawag na chismisan..:)

Unang una sa lahat, di ako nagmamalinis dahil di naman talaga to naiiwasan, pwede mong ipalusot na palitan ng kuro kuro lamang ito ngunit kahit baliktarin mo ang damit ng lahat ng tao, chismisan padin yun. Define.

Ang salitang gossip oh chismis ay nagpapatungkol sa pag uusap tungkol sa publiko at pribadong aspeto ng isang tao na kilala ng mga gumagawa ng misteryosong gawain na ito.Isa itong pagsasalin ng mga kwento mula sa isang tao papunta sa iba. Usually, ang chismis ay tumutukoy sa mga bagay na di naman talaga nakita nung taong nagkkwento, maaring narinig lamang nya ito sa iba, naikwento sa kanya. In short, walang kongkretong basehan kung totoo ang mga ito o hindi.

Alam naman na nating lahat yan e, pero ang nakakatawa lang naisip na ba natin na wala naman tong pwede maidulot na kabutihan?OO. naisip na nating lahat yan, imposibleng hindi, pero may mga tao paring gumagawa nito.

Isang linggo ng gabi, ako na nasa simbahan, Christmas time na, ang ganda ng simbahan namin ngayon ang cool lang ng decorations at may mini COD pa..Alam mo ba yung COD?hahaha...basta yun na yun.. Masaya akong nagmamasid sa mga taong nasa paligid, ang iba inaantok, ang iba naman ay busy mag pikchur ng mga dekorasyon sa loob ng simbahan, at dahil may dalawa akong tenga at di ko naman kasalanan magkaron ng tenga para makarinig ng mga bagay na pinag uusapan ng mga tao, narinig ko ang dalawang mga kumare ata sa likod ko na nag bubulungan...oops!!I'm not eavesdropping my friend..:) talagang malakas lang sila mag bulungan..hahaha

Masyado silang engrossed sa pagpapalitan ng opinyon tungkol sa hiwalayang Piolo at KC. oo nga naman may point si ate, ginamit lang ni Piolo si KC. hahaha.. Narinig ko lang talaga..tapos sinarado ko na lang tenga ko para mag isip. Sa pag uusap na yun, milyon milyong tao padin ang nagugutom sa Pilipinas, milyon padin ang walang trabaho, ang corrupt padin ng mga tao sa gobyerno. busy padin sila sa pang aapi kay Gloria, pero keri lang naman yun, naisip ko lang kung gugustuhin pala ng mga nakaupo sa pwesto na mapabilis ang hustisya sa bansang eto e pwedeng mangyare...mapabilis ang paglilitis sa dating pangulo na sumagasa sa rehimeng Aquino. Ibang usapan yan..haha..

Ayun nga, mabalik tayo sa chismisan galore ng mga tao. Bakit tayo nag chichismisan? Ikayayaman ba ng bansa natin ang mga bagay tulad ng maitim ang singit ng isang female sexy actress? Isip naman, sayang ang tinta para mag aksaya ng  mga pahina sa dyaryo para lang ibalita ang mga gantong bagay. Sabagay mag yumayaman naman sa mga gantong trip. Crab mentality ng mga Pilipino.

Di ako nagmamalinis. May mga bagay na dapat malaman nating lahat para naman magamit natin ang regalo ng Diyos na tinatawag na isip...

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...