Skip to main content

NAISIP KO LANG NAMAN..

Ang bagay na ito ay hindi naayon sa panahon natin ngayon gabi...Una, dahil hindi umuulan, pangalawa paki ko naman dito e di naman na ako studyante? Pero! bilang isang 'future parent' (excited masyado?) alam kong hindi water proof ang mga students simula elementarya hanggang kolehiyo.

Ang bagyo sa Pilipinas ay alam nating dumadating sa mga buwan na may -ber. Alam ng lahat yan, sasara lahat ng butas sa katawan mo pag di mo alam to. Pero may mga paghahanda bang ginagawa ang gobyerno? Sabihin na din natin pati tao, baka kasi sabihin mo sinisisi ko na naman lahat sa gobyerno e. May mangila ngilan na naghahanda para sa mga panahong to pero karamihan? Ewan ko lang.

Mabalik tayo sa pagiging water proof ng mga studyante. Ano ang kaadikan meron ang DepEd at CHEd bakit sila nag ssuspend ng klase pag tanghali? Di mo alam kung bakit? Sige bibigyan kita choices...
a) na-late ng gising yung secretary
b) mahina lang naman yung ulan sa lugar kung nasan yung secretary
c) nakakatamad kumilos
d) sanay na sa baha ang mga bata
e) para sakto sa bukas ng malls ang pag suspend ng mga klase
f) sayang baon
g) para kumita ang mga jeepney drivers

sige tama na yung choices. baka bago ko matapos yung alphabet patay na ako..:D
Alam ko naman na sa private insitutions, sila na yung bahala mag suspend pero naman pano yung mga nasa public schools? dadaan pa sila sa baha para lang di umabsent sa eskwela, kelangan pa ng...danger..paki tagalog. bago maisipan na mag suspend? ano bang masama sa pagbabalita na DAPAT mag stay lang sa bahay ang mga studyante para walang nalulunod sa baha, natatangay ng baha, nahuhulog sa estero? May mahirap ba dun? at! exposure yun sa tv!

Minsan mahirap gamitin ang isip pag nilagay sa bilbil.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...