Ito ang karugtong ng nauna kong entry...kahapon.:) Kanina lang kasi ako nanood ng tb matapos ang ilang dekada na computer at malaking keyboard ang kaharap ko, nakanood din ako ng tv...Di ko alam kung gusto ko lang haybladin sarili ko dahil sa ANC ko nilipat ang channel. Storyline ang palabas. Sakto namiss ko ang show na to...Di ko nasimulan pero parang na gets ko naman ang kwento... Iniinterview ang asawa ng isang pulis na binaril ng mga di kilalang tao. From the looks of it, eto opinion ko lang naman, ang mga taong gumagawa ng ingay para mapansin,makapaghatid ng impormasyon at imulat sa katotohanan ang mga tao...sila pa yung nawawala, naaksidente o napapatay.Kung iisipin, it makes all the sense in the world... ang pagkawala nila ay hindi pawang coincidence lang. Sinasadya yun dahil tinutuligsa nila ang may kapangyarihan.Kelan ba magkakaron ng justice sa Pilipinas? Kelan matatapos ang napaka laking crab mentality? Siguro pagkatapos ng EDSA 21,000 na?
Sa kalungkutan na naramdaman ko dahil sa injustice na natatanggap ng mga tao, may nakita akong mga letra sa ibaba ng screen...
"DEPED NOT KEEN ON POSTPONING CLASSES IN STORM-AFFECTED AREAS"
Ang nasabi ko na lang, "WOOOOWW". Anong klaseng utak meron sila? Ano kayang kulay ng budhi nila? Storm affected!nilagyan pa nila ng ganyan, nasalanta ng bagyo, nawalan ng mahal sa buhay, wala na silang mga gamit pamasok, yung emotional trauma na meron sila matapos ang trahedya sa buhay nila tapos gusto ng DEPED pumasok sila at "matuto"??? Anong pagkatuto ang gusto nilang ipasok sa isip ng mga bata? Na kaawaan nila ang kanilang mga sarili, imbes na bigyan sila ng panahon maka recover sa mga nangyare at bigyan ng tulong para makabangon muli. Ano ba naman yan? Hihintayin ba nilang maubos muna mga tao bago nila maiisip na pwedeng mag postpone ng mga klase at pwedeng pwede nilang gawin ang kanilang trabaho kahit minsan lang... Pwedeng pwede din nilang gamitin ang utak at konsensya nila para maging maayos ang buhay nating lahat.
Nakalungkot lang na may mga kababayan tayong wala man lang ka laban laban sa mga maling desisyon ng mga taong may kapangyarihan gumawa ng mga trip trip lang nila. Dahil nakatapak sila sa ginto, kumakain ng masasarap at natutulog sa opisina nilang naka aircon at malaking komportableng upuan.
Bago ko tapusin to, feeling ko ang sama sama ko lang naman, at medyo kelangan ko ng oras para mag isip kung ano ang kaya kong magawa para sa mga taong ito. Sa panahon ng kapaskuhan at pagpasok ng bagong taon, anong kaya nating gawin?
A time to reflect on important issues, do something about it, share blessings and give out love.

Comments