Skip to main content

ANG PILIPINAS AT KABAGYUHAAAAN BOW

Sa isang taon, merong 12 buwan, 4 na linggo sa bawat buwan, 7 araw sa bawat linggo at 24 oras sa bawat araw.

Alam kong alam mo na to, gusto ko lang sabihin para kunwari cool ako.hahaha.Dahil nakalimutan ko na bakit ko to ginagawa itong bagay na to, kahit na lang ilalagay ko...

Nakalipas na ang 2 taon matapos ang trahedya na dulot ng bagyong Ondoy. Naalala ko pa party party pa kami dito sa bahay dahil di natuloy duty namin, masaya pa kaming pamilya na kumakain at nanonood ng movies dahil walang pasok..:)) Tapos biglang pagkita mo sa news, ang taas na pala ng baha sa iba't ibang dako ng Pilipinas lalo na dito sa kamaynilaan. Madaming namatay, madaming ari arian ang nasira, madaming buhay ang nasira dahil sa bagyong ito. Pero masasabi mo ba sino ang mya kasalanan sa usaping ito?

2011 na, malapit na nga matapos ang taong ito ee, pero walang patawad, may pahabol pang bagyo...Welcome to the Philippines Sendong.!!! handang handa na naman ang Pilipinas sa pagdating mo.

Sa kasalukuyan, wala na si Sendong nag paalam naman na sya, pero yung epekto nya andito padin, madaming buhay na naman ang nawala, madaming ari arian, palayan ang nasira, mga taong nawalan ng tirahan. Anong ginawa ng gobyerno? Meron ba?nakooooo. Isipin mo, habang madaming nasa evacuation centers, walang makain ngayon Pasko, si Pnoy asan? Nasa palasyo nag pparty kasama ang mga magagandang babae. Kaloka lang nu? milyon milyon para sa party of the year, tapos yung mga bumoto sa kanya wala lang, keber lang sya.

Eto na naman, alam kong iisipin mong para akong nagmamalinis sa mga sinasabi ko, dahil di lang naman dapat gobyerno ang sinisisi sa bagay na to, sige, pansinin na natin pati ibang tao. Kung titignan mo sa tv, pinapakita na ang mga mayayaman na tumutulong sa mga nasalanta. Napaka bait nilang mga nilalang!!! Para na silang mga santo sa paningin ng nakararami. Masaya din naman ako sa kabusilakan ng kanilang mga puso sa oras ng pangangailangan. Pero! naisip ba nila na yung mga pagtatapon nila ng basura kung saan saan ay isa sa mga dahilan bakit bumabaha? Prevention is ALWAYS better than cure. Pwede kasing maiwasan sana...nating lahat. di lang kasi effort to ng mangilan ngilan na tao. Unity. Nationalism. Mahalin mo sariling lugar mo, mahirap kasing nakatingin ka lang sa ibang mauunlad na bansa, naawa sa sariling bayan ng walang ginagawa na kahit ano para sa kanya.Madaming magbabago. Magandang pagbabago.

Iisa lang naman ang gusto ko, gamitin lahat ng tao ang laman na nasa loob ng ating skull.:))

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...