Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2012

PARA SA PASYENTE KO...

Nung bata pa ako, nagtataka ako bakit umiiyak ang mga taong namamatayan, bakit may mga taong di nila matanggap na namatayan sila, ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay...Nagtataka talaga ako... Habang tumatanda ako, hindi na lang sugat ang naramdaman kong masakit...nalaman ako ang totoong halaga ng pagmamahal, at malalaman mo lamang na totoo yun kung nawala na sya sayo. Sakit na kailanman di kayang linisin ng betadine o alcohol. Sakit kahit kelan di mo pedeng takpan na lang ng gasa para di mo maalalang may sugat ka pala. Noong ika-28 ng Oktubre, unang beses kong pumasok ng 10pm-6am sa duty. Normal na routine, may pasyente kang hahawakan. Naging malapit ako sa mga pasyente at pamilyang may dugong chinese. Ganun sila, parang may lukso ng dugo kaya at home sila sayo. May isa akong pasyente chinese, matandang babae, may gall bladder cancer. Pumasok ako sa kwarto nya, kinumusta ko sya kahit di nya ako pinapansin. Nakadilat sya, nakatingin sa kawalan, may oxygen sya sa ilong, m...

PAGPAPATULOY NG HINAHARAP

May bago na naman ata akong kinahihibangang issue na medyo napapadalas kong isipin, kahit sa duty! Nightmare!hehe. pero kasi..after kong maisulat yung entry ko na innovation breeds isolation..naisip ko, ang bilis na ng takbo ng panahon, tila umiiksi ang mga araw para makisalamuha ang tao sa kapwa, kulang ang oras ng tao sa pag ppeysbook palang, sa pag ddota palang kulang na ang 24 hours.. Habang umaakyat ang bilang ng fb users, patuloy na nagbabago ang tao, ang mga gamit na naiimbento, ang mga online applications na nagsusulputan. Sobrang busy ng tao kakaharap sa screen at kakapindot ng keyboard..inaamin ko naman na mahilig ako gumamit ng cellphone..haha..defensive..e kasi mahilig ako makipag kwentuhan..:) yun yun..:) Anyway..As I was saying...Habang tumatagal, ang ating panahon ay pumapasok na sa era kung saan malapit ng mauso ang cloning..Dahil sa kasalukuyan, laganap na ang pag gamit ng stem cell... Ano ang stem cell..ay ang mga primitive cells kung saan tayo nag simula lahat. N...

INNOVATION BREEDS ISOLATION?_?

Bilang isa sa mga nurses na napipilitang magbayad sa mga institusyon upang makakuha ng ‘experience’, meron akong napuna sa isa sa mga seminars na aming nadaluhan. (segway muna; mura lang naman ang binayad ko kung tutuusin, at medyo ilan na rin ang npuntahan kong seminar na libre, o kasama na sa aking binayad.hehe) Eto na nga yung sinasabi ko, isang araw, meron daw kaming meeting, pero nung makarating kami dun sa room, ay may lecture pala from a product company… Ok lang sakin yun kasi may free food.haha.yun pala ang habol ko..anyway..sa gitna ng lecture ng isang product specialist, pinakita nya ang iba’t ibang inobasyon na nagawa ng isang malaking kumpanya na mansanas ang logo na may kumagat..Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod; iHealth; alam naman na natin lahat ang iPhone, yung iHealth, application sya na pwede mong malaman ang blood pressure mo, sa pamamagitan ng pagbili na kanilang cuff. Diba?     Lahat sa kanila mo dapt bilhin. Ikalawa ang vitality glow ...

OCTOBER NA..

Sa paglipas ng bawat araw, madami ding bagay ang lumilipas, nasasayang, nagagamit, nawawala...parang kuko mo..humahaba, puputulin mo, wala na...gulo ko nu? Noong bata pa lamang ako, di na ako naexcite kelanman sa pagdating ng Pasko. Wag mo sabihin satanista ako, ddemanda kitang libel.hehe.. joke lang.syempre magtatanong ka bakit diba.? di naman normal sa tao na di ma excite sa isang okasyon na masaya, kataka taka.Narito ang ilang spekulasyon na maaring makatulong sa akin upang lubusan kong maintindihan ang bumabagabag sakin sa mga panahong ganire. Unang una, hindi ko din alam ang eksaktong sagot kung bakit di ako natutuwa pag ber months na..kasi mas laganap ang nakawan, kasi papalapit na ang panahon kung san madaming pera ang mga tao, laganap na ang mga nanggugulang sa mga bilihin, madaming patong sa lahat ng bagay.  Laganap na din ang paggawa ng mga babies dahil panahon na ng tag lamig..alam mo naaaaa! Ikalawa, hindi padin to konkretong sagot, haka-haka ko lang sa sarili ko...