Nung bata pa ako, nagtataka ako bakit umiiyak ang mga taong namamatayan, bakit may mga taong di nila matanggap na namatayan sila, ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay...Nagtataka talaga ako...
Habang tumatanda ako, hindi na lang sugat ang naramdaman kong masakit...nalaman ako ang totoong halaga ng pagmamahal, at malalaman mo lamang na totoo yun kung nawala na sya sayo. Sakit na kailanman di kayang linisin ng betadine o alcohol. Sakit kahit kelan di mo pedeng takpan na lang ng gasa para di mo maalalang may sugat ka pala.
Noong ika-28 ng Oktubre, unang beses kong pumasok ng 10pm-6am sa duty. Normal na routine, may pasyente kang hahawakan. Naging malapit ako sa mga pasyente at pamilyang may dugong chinese. Ganun sila, parang may lukso ng dugo kaya at home sila sayo. May isa akong pasyente chinese, matandang babae, may gall bladder cancer. Pumasok ako sa kwarto nya, kinumusta ko sya kahit di nya ako pinapansin. Nakadilat sya, nakatingin sa kawalan, may oxygen sya sa ilong, madaming naka konekta sa kanyang mga swero. Kinakausap ko sya habang kinukunan ko sya ng blood sugar, sumagot sya, di ko lang maintindihan kung ano sinasabi nya. Pero dun palang nararamdaman kong hindi na maganda ang kalagayan nya. Maputlang maputla sya, halata sa napaka puti nyang balat, payat, at pinagpapawisan ng malamig. Sinabi ko pa sa bantay nya, caregiver, wala yung mga anak nya, na punasan sya ng mas madalas kasi pinagpapawisan sya. Ang bigat na agad ng pakiramdam ko. Di ko na masyado maramdaman ang pulso nya, sobrang hina ng blood pressure nya, at umabot pa sa 32mg/dl na lang ang blood sugar nya. Sobrang baba na lahat..Hindi awa ang naramdaman ko habang tinitignan ko sya, kundi panghihinayang, na sa oras na nahihirapan sya, wala syang magawa, hindi nya maisigaw sa mundo na nasasaktan sya at gusto nyang ipaglaban yung buhay nya. Nakita ko yung unti unting paglisan ng buhay sa kanya...Kahit hindi ko sya nanay o lola, sobrang sakit na makita ko sya na wala ng buhay habang inaayos namin ang katawan nya. Yung taong kanina lang kinakausap mo, kinukumbinsi mong magpahinga na lang para gumaling at sinusubukang sumagot, wala na lang ng isang iglap.
Unang beses kong mawalan ng pasyente. Namatayan na ako ng mahal sa buhay, pero hindi ko nakitang ganun ang kalagayan hanggang sa huling hininga. Nakakaubos ng lakas.Gusto kong umiyak. Ang exagg diba? di ko naman kaano ano emote kung emote ang arte ko..Di ko sya nakilala nung malakas pa sya, di ko alam kung nangungurot ba sya katulad ng lola kong nabubuhay pa. Pero sabi nga ni Anne Frank, kahit anong sama ng tao, meron at meron parin kabutihan sa kaibuturan ng puso nila.
Minsan yun din ang hindi ko gusto sa pagigin nurse. Makikilala mo ang isang tao na may karamdaman, alam mong isa sa mga ikikilos nya hindi talaga sya, manipesto lamang ng karamdaman nila. Hindi mo lubos na makikilala yung tao. Biased.
*masyadong personal at ma emote ang entry na ito.:/

Comments