Skip to main content

PAGPAPATULOY NG HINAHARAP

May bago na naman ata akong kinahihibangang issue na medyo napapadalas kong isipin, kahit sa duty! Nightmare!hehe. pero kasi..after kong maisulat yung entry ko na innovation breeds isolation..naisip ko, ang bilis na ng takbo ng panahon, tila umiiksi ang mga araw para makisalamuha ang tao sa kapwa, kulang ang oras ng tao sa pag ppeysbook palang, sa pag ddota palang kulang na ang 24 hours.. Habang umaakyat ang bilang ng fb users, patuloy na nagbabago ang tao, ang mga gamit na naiimbento, ang mga online applications na nagsusulputan. Sobrang busy ng tao kakaharap sa screen at kakapindot ng keyboard..inaamin ko naman na mahilig ako gumamit ng cellphone..haha..defensive..e kasi mahilig ako makipag kwentuhan..:) yun yun..:)
Anyway..As I was saying...Habang tumatagal, ang ating panahon ay pumapasok na sa era kung saan malapit ng mauso ang cloning..Dahil sa kasalukuyan, laganap na ang pag gamit ng stem cell...

Ano ang stem cell..ay ang mga primitive cells kung saan tayo nag simula lahat. Nako, baka ikahiya ako ng Alma mater ko pag di ko to na explain ng maayos. haha.. Ieexplain ko lang ayon sa aking pagkakaintindi at di ako humingi ng tulong mula kay kuya google. Ang stem cells ay ang mga batang cell na pwedeng mag differentiate sa iba't ibang uri ng cell na may iba't iba ring trabaho. Ang mga stem cells ay matatagpuan sa placenta o inunan nung nanganak si mudrakels at maari ring mamahay ito sa bone marrow ng isang tao, dahil dun naman talaga ito na pproduce.. Stem cell, tas pag nag mature na sila, pupunta yan sa iba't ibang lugar sa ating katawan, kung sa utak sila pupunta edi magiging neural cells sila, pag sa heart cardiac cells. (oops, nag iimbento na ata ako?) ah basta, kung san sila mapuntang organ, gagawin nila ang funtion ng organ na yun...Simple lang.. Pag ginamit na ito sa mga karamdaman, halimbawa, brain damage, madaming nasirang cells. Pag naglagay ka ng stem cells sa lugar na napinsala, ang mga batang cells ay mag ddifferentiate maging brain cells at makukumpleto ang pagbalik sa normal ng parteng nasira. Ginagamit na din to pampabata... O ikaw na mag isip pano..hahaha.

Mabalik tayo sa cloning, nabanggit ko nga na nauso na ang mga stem cells na pampabata...Lahat ng tao ayaw tumanda, mangilan ngilan lang siguro kaming nilalang na gusto ng tumanda..abnormal ako e.:) Sa kadahilanang ayaw tumanda ng mga tao, naimbento ang cloning, ang paggaya ng dna ng isang tao at gagawa ng panibagong katauhan nya na bata ulit. wow nu? nakita mo na din ba yung movie na surrogates? Tingin mo fiction lang yun? sa ngayon oo, pero dahil may lumabas na ganung konspeto, sigurado ako itataya ko buhay ng mga buhok ko sa ilong, ilan sa panig ng mundo, pinag aaralan na kung pano maisasakatuparan ang pagkakaron ng kakambal na robot pero ikaw na tao ang kkontrol sa kanya na parang ikaw lang din...

Isipin mo, mga kausap mo robot na pala, mukhang batang bata, parang mukha lang nung high school kayo tas ikaw may wrinkles na? Joke time yun.. Pero eto sumagi lang sa isip ko... Maari na ring mainlab ang isang tao sa robot..Isipin mo na lang ano ng mangyayare sa mundo pag nagkatotoo to lahat? Sa Pilipinas na lang..e mahilig pa naman tayo makiuso lalo na sa mga latest gadgets.. Meron kaya nabalita..lalake, pinakasalan nya yung robot sa Japan..Sa kasawiang palad di ko na mahanap ang balitang yun..Pero eto! Nagkasal sa couple robot!, basahin mo na lang oh link..:) http://www.cbsnews.com/2100-205_162-6488799.html

Wakas.

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...