Bilang isa sa mga nurses na napipilitang magbayad sa mga
institusyon upang makakuha ng ‘experience’, meron akong napuna sa isa sa mga
seminars na aming nadaluhan. (segway muna; mura lang naman ang binayad ko kung
tutuusin, at medyo ilan na rin ang npuntahan kong seminar na libre, o kasama na
sa aking binayad.hehe) Eto na nga yung sinasabi ko, isang araw, meron daw
kaming meeting, pero nung makarating kami dun sa room, ay may lecture pala from
a product company… Ok lang sakin yun kasi may free food.haha.yun pala ang habol
ko..anyway..sa gitna ng lecture ng isang product specialist, pinakita nya ang
iba’t ibang inobasyon na nagawa ng isang malaking kumpanya na mansanas ang logo
na may kumagat..Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod; iHealth; alam naman
na natin lahat ang iPhone, yung iHealth, application sya na pwede mong malaman
ang blood pressure mo, sa pamamagitan ng pagbili na kanilang cuff. Diba?
Lahat sa kanila mo dapt bilhin.
Ikalawa ang vitality glow cap, maganda ito sa mga taong hindi marunong sumunod sa kanbilang mga doctor tungkol sa pag inom ng gamut.
Ganto ang kanyang trabaho; tutunog sya pag oras na para uminom ka ng gamut. Pag hindi mo sya pinansin, iilaw sya ng kulay pula para makita mo at ipaalala ang gamut na dapat inumin..Sa ikatlong pagkakataon na di mo sya pinansin, mag ttext sya sayo na di mo pa naiinom ang iyong kagamutan sa buhay!
Ikatlo Ang mobius spI smartphone ultrasound.WOAH!! hanep ano, sa pamamagitan lang ng iyong cellphone na binili mo ng pagka mahal mahal, maari mo na syang gamtin para makita mo kung anong meron sa ilalim ng iyong balat, sa iyong mga organs sa katawan.
Ang galing ano? Lahat ng yan ay produkto ng siyensya. Wala akong ibig sabihin na masama, o siraan ang kahit ano sa mga produktong ito. Dahil unang una sa lahat, ang kanilang layunin naman ay mapadali ang pamumuhay ng mga tao at maging aksesibol na sa lahat ang mga bagay na meron sa ospital. Ngunit di mo maalis na para sa kumpanya din nila yun diba? Sigurado ako libo na naman ang gagastusin ng mga Pilipino para lang makiuso sa mga gadgets na ito.

May isa lang akong gusto sabihin, bilang nurse, ang ating
forte ay magbigay ng kalinga sa mga taong may sakit, magbigay ng ginhawa sa
kanilang mga karamdaman, pagbibigay ng therapeutic communication at therapeutic
touch. Paano na ang mga bagay na ito kung puro gadgets na ang gagamitin ng tao?
Nakakalungkot man isipin, ngunit sa panimula ng paglabas ng mga ganitong
inobasyon, malaki ang posibilidad na kakalat na ang mga ito sa buong mundo, at
unti-unting mawawalan na ng trabaho ang mga tao, mauubos ang man power at puro
robotics na lahat ang mga gawain. Napanood mo na mga ang wall-e? yung pixar
film na may maliit na robot na naiwan ditto sa earth at ang mga natitirang tao
ay nasa malaking spaceship na lang nakatira, kasi din a matiran ng tao ang
Earth, dahil sa basura at mga metal na bagay na tira tira sa paggawa ng mga
robot. Sa spaceship nay un namumuhay na lang ang mga tao sa electronic chair.
Di yung silya elektrika na iniisip mo ha? Yung may mga pindutan at andun na
lahat ang kelangan nila. Pati nga mga sanggol robot na din ang nag aalaga, yung
mga tao, nakaupo na lang at pindot ng pindot tulad ng ginagawa ko ngayon. Nung
napanood ko yung pelikulang yun, lungkot na lungkot ako, kasi kahit alam kong
patay na ako malamang pag nangyare yun, yung mga anak, apo, apo ko sa tuhod,
makakasaksi ng ganun. Ngayon pa nga lang wala na masyadong bata ang naglalaro
sa lansangan at nagttumbang preso, nagpapatintero, puro facebook na lang ang
alam at dota, at kung ano ano pa. Pano pa sa mga susunod na taon?
Halos lahat ng bagay ngayon pindot pindot na lang. Tunay nga
naman na produkto ng talino ng tao, ebolusyon, inobasyon…Ngunit sa kabilang
banda, naisip ko, ang mga salitang ito ay wala na ding pinagkaiba sa pag-iisa o
isolation.
Wakas.
Comments