Skip to main content

OCTOBER NA..

Sa paglipas ng bawat araw, madami ding bagay ang lumilipas, nasasayang, nagagamit, nawawala...parang kuko mo..humahaba, puputulin mo, wala na...gulo ko nu?

Noong bata pa lamang ako, di na ako naexcite kelanman sa pagdating ng Pasko. Wag mo sabihin satanista ako, ddemanda kitang libel.hehe.. joke lang.syempre magtatanong ka bakit diba.? di naman normal sa tao na di ma excite sa isang okasyon na masaya, kataka taka.Narito ang ilang spekulasyon na maaring makatulong sa akin upang lubusan kong maintindihan ang bumabagabag sakin sa mga panahong ganire.

Unang una, hindi ko din alam ang eksaktong sagot kung bakit di ako natutuwa pag ber months na..kasi mas laganap ang nakawan, kasi papalapit na ang panahon kung san madaming pera ang mga tao, laganap na ang mga nanggugulang sa mga bilihin, madaming patong sa lahat ng bagay.  Laganap na din ang paggawa ng mga babies dahil panahon na ng tag lamig..alam mo naaaaa!

Ikalawa, hindi padin to konkretong sagot, haka-haka ko lang sa sarili ko, siguro dahil, kahit minsan di ko naranasan na buo ang aking pamilya sa araw na yun. Pero di ko naman ikakaila na masaya ako dahil kasama ko ang nakalakhan ko ding pamilya dito sa maynila, na sobrang babait.:)

Ikatlo, simula nung  nag trabaho ako, ang pagsapit ng pasko ay pagwawaldas ng pera.. ok lang naman sakin kasi madaming napapasaya ang mga regalo. pero sana ako din bigyan..hahaha.. bitter.

Ikaapat, ilang pasko na din ang nakalipas simula ng naging mabulaklak ang aking buhay pag ibig.yikeeee..medyo may masamang pangitain kasi, tuwing sasapit ang buwan ng disyembre, may lalaking darating at magiging malapit sa aking puso, oo masaya kami sa buwan na ipinanganak ang ating Maylikha, pero pagkatapos nun, para din syang tao na nagbabago pagsapit ng January 1. Naibabaon na sa nakaraan. hahaha..Bitter?

Ikalima, siguro marapat ko ng tapusin ang aking pag iisip, dahil habang humahaba to, dumadami ang dahilan upang ako'y malumbay at matulog na lang.hahah

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...