Skip to main content

Melting Pot na inuuod

Di ko maintindihan bakit ang utak ng ibang tao eh hindi mo maarok kung totoo nga bang nag iisip sila o hindi. Parang si Mar Roxas. ganung style.Ang hirap arukin bakit sila ganun. Anyway, napa blog lang naman ako today dahil sa sikat na issue ngayon...ang pagkaka hack ng COMELEC site, kung saan lahat ng rehistradong mga botante ay nakalagay dun, kasama nang kani kanilang impormasyon. Feeling ko wala naman talaga ako karapatang magsalita dahil hindi ako botante, alam kong kasalanan ko to sa aking bayan na sayangin ang right to suffrage ko.Ngunit, sublait, datapwat, karapatan ko din namang piliin na wag na lang bumoto, dahil sa madaming rason na di ko na kelangan isa isahin pa dahil hindi naman yun yung totoong motibo ko ngayong araw.

Yung nang hack sa site eh, 23 year old fresh grad ng IT. tangina! fresh grad mehn! nung ganung yugto ng buhay o eh ang alam ko lang gawin ay kumain at magmukmok dahil broken hearted ako! tsk. tas sya bigtime yung sinubukan nyang i hack..COMELEC. sana laptop ni Pnoy try nya din, malay natin eh me scandal syang maikalat, mahiya naman sya sa balat nya kahit pano. Isipin mo na lang, super amateur lang yung nang hack, what more ang kaya nyang gawin pag na enhance yung skills at yung thinking nya. baka kayanin nya fbi. Wala akong alam sa codes at kung anek anek sa computer, pero alam kong it takes a smarty pants brain to hack something! I've known hackers na naging kaklase ko nung college.. they are very intelligent. Eto yung nakakalungkot sa Pilipinas, masyado tayong madaming talento at talinong nasasayang. Ang Pilipinas ay melting pot ng maraming maraming galing, pero san sila napupunta? sa ibang lupa, dahil dito walang pake ang gobyerno na gamitin sila at ilagay sa pwesto o bigyan ng magandang trabaho. Puro kamkam lang ng pera ng mga tao. Nakakainit ng ulo minsan pag naiisip ko kung ano ang mga nasasayang sa lupang sinilangan nating lahat. Kung ano yung mga potensyal ng bansang to ngunit hindi maayos na nagagamit ang mga resources, hindi nabibigyan ng tamang tulong ng mga taong mas napapakinabangan tulad ng mga magsasaka, hindi makapag aral ang mga tao na malay natin ay isa na pala sa taong makakahanap ng lunas sa kanser. Yung mga ganung bagay. Ang melting pot na biniyaya satin at inuuod ng mga taong walang alam gawin kundi kumabig lang at makinabang sa mga pinaghirapan ng iba. Masakit isipin na COMELEC site na nga lang e wala pang nagmmaintain. Anong magagawa ng pagdakip sa bata? eh kung kunin na lang sya at i train para isa sya sa mga nag mmaintain nung site! bigyan nyong trabaho..punyeta!


*di natapos kasi may kaaway ako sa summoners war channel 172

to be continued..

Comments

readyplayerone said…
We still have the continuation?
RV said…
oo nga nu..hindi ko na sya naituloy. :p thank you, continue ko to, dahil may bago na tayong administrasyon na nakaupo sa gobyerno. :)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...