Sa loob ng anim na taon kong pag ttrabaho sa halos sampung kumpanya sa kalakhang Maynila, mabibilang ko lang sa lima kong daliri kung ilang beses palang ako nakasakay sa MRT (wag natin isali yung LRT). Bakit? Una, pakiramdam ko hindi ako makakarating ng buhay sa dapat kong puntahan. Bakit ulit? Dahil sa oras na pumasok ka dito, sa sobrang sikip eh parang hindi mo na kayang abutin yung pinto pag bababa ka na. Sa sobrang dami ng tao, hindi mo alam pano mo ipapaintindi sa utak ng bawat pasahero ang mga katagang, "excuse me" o kaya "makikiraan po". Hindi natin sila sisisihin, lahat tayo pagod, lahat tayo me pinagdadaanang mga bagay bagay na maaring nakakasagabal na marinig ang iyong hinaing na dadaan ka at bababa sana sa Araneta Cubao station. Hindi ko rin naman masisisi na magtulakan ang mga tao lalo na pag rush hour na,dahil bawat isa satin, gusto makauwi ng maaga para makapag pahinga, o di kaya nais na nating makarating sa pupuntahan, dahil may date ka pang pinaglal...
A RECORD OF THOUGHTS. normal stories. bizarre ideas. questions in life, and all this mind can think of.