Skip to main content

Panibugho ng walang magawa tungkol sa kalikasan

Sa Pilipinas, isa na atang hobby ang pagpataw ng bayad sa mga bagay bagay na di naman tayo ang may-ari. Tulad ng napaka laking balate tree sa Baler, hindi naman nila pag aari ang puno, sa kalikasana yun, pero bakit ngayon eh may bayad na? ito ay kaparis din na wala tayong karapatan magkalat sa mga ating kalikasan dahil hindi naman natin 'to pagaari.

Respeto sa kapaligiran. Yan ata ang wala tayo dito sa Pilipinas. Hindi natin gayahin ang ibang bayan, na ipinagpapasalamat nila sa Maykapal na meron ang bansa nila ng mga napaka gagandang tanawin, kaya nila ito inaalagaan upang maibahagi rin nila ito sa ibang lahi. Nakakalungkot isipin na dito sa atin, isa tayo sa mga bansa na pinakalooban ng sandamakmak na magagandang isla, pero ang nangyayare eh inaabuso natin ito hanggang sa mawala na ang ganda nito.

Bakit nga ba? Minsan mahirap isipin ang mga posibleng rason kung bakit, dahil hindi natin gustong mang husga, ngunit, paminsan dahil na rin sa hindi mo maaring pilitin ang iba na mag isip katulad mo, hindi na maiiwasang mag isip tayo ng hindi maganda sa kapwa. Sa totoo lang, di na ako magmamalinis, naiirita ako sa mga tao na may sumikat lang na lugar eh dadagsain na, oo gusto natin masilayan ang kagandahan, pero hindi ba pwedeng, yung mga mismong nangangalaga ng lugar, tulad ng LGU, eh i regulate ang pasok ng tao. Tipong may quota lang sila ng bilang ng tao sa isang linggo or isang buwan, Aminin man natin o hindi, meron at merong abnormal na nilalang ang magkakalat at magkakalat.

Ano nga ba ang magandang solusyon dito ng isang walang magawang tao katulad ko? Simple lang, sinimulan ko sa sarili ko. Halimbawa na lang sa Sagada, sinabi na ng kanilang lokal na pamahalaan na nanganganib nang masira ang ibang parte ng lugar., ngunit hindi nila napipigilan ang dagsa ng tao. Unawain na lang sana ng mga tao, na bigyan nila ang kalikasan ng pagkakataon magpahinga. Ang kalikasan natin may sariling paraan upang hilumin ang kanyang sarili, sana lang may mga taong mag utak tao at isipin na kahit pa hindi nakakapag mura yung bundok eh ipasok na lang nila sa kokote nila na hindi naman nila ikamamatay pag hindi muna nila nakita ang sea of clouds.

Palibhasa yolo ang motto ng nakakarami.Eh pano na lang yung susunod na henerasyon satin? Ano na lang ang aakyatin nila? pano sila mag yyolo? mga utak biya. punyeta. Di na lang kasi manahimik sa bahay at maghugas ng pinggan. Char. naiinis lang ako.


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...