Skip to main content

MRT..yung tren

Sa loob ng anim na taon kong pag ttrabaho sa halos sampung kumpanya sa kalakhang Maynila, mabibilang ko lang sa lima kong daliri kung ilang beses palang ako nakasakay sa MRT (wag natin isali yung LRT). Bakit? Una, pakiramdam ko hindi ako makakarating ng buhay sa dapat kong puntahan. Bakit ulit? Dahil sa oras na pumasok ka dito, sa sobrang sikip eh parang hindi mo na kayang abutin yung pinto pag bababa ka na. Sa sobrang dami ng tao, hindi mo alam pano mo ipapaintindi sa utak ng bawat pasahero ang mga katagang, "excuse me" o kaya "makikiraan po". Hindi natin sila sisisihin, lahat tayo pagod, lahat tayo me pinagdadaanang mga bagay bagay na maaring nakakasagabal na marinig ang iyong hinaing na dadaan ka at bababa sana sa Araneta Cubao station. Hindi ko rin naman masisisi na magtulakan ang mga tao lalo na pag rush hour na,dahil bawat isa satin, gusto makauwi ng maaga para makapag pahinga, o di kaya nais na nating makarating sa pupuntahan, dahil may date ka pang pinaglalalanan ng lakas.

Mahirap bigyan ng bagong deskripsyon ang karanasan ng mamamayang Pilipino sa pagsakay ng nasabing tren. Ayoko na lang sisihin sa kahit anong ahensya ng gobyerno ang kawalan ng atensyon at kaukulang aksyon ang nasabing pampublikong transportasyon..baka kasi sabihin nila eh hindi nila ito responsibilidad. kingina nyo! ooops! nakerid away.

Ngunit, subalit, datapwat...Sa sobrang tindi ng trapiko sa EDSA, mula Ayala hanggang Kamuning...aabutin ako ng halos 3 oras para lang makauwi ng hitik sa mura ang bukambibig. Ano to nagbyahe papuntang probinsya? Leche! Ano nga ba ang dahilan ng sobrang bigat ng trapiko sa lecheng EDSA? mga pampublikong sasakyan o yung mga pribado? ewan ko...Masasabi ko lang, nang dahil sa halos tatlong oras na iuupo o itatao ko sa bus, pinag desisyunan ko nang makipag sapalaran sa MRT. Kahit nagmumura yung mga hita ko pag aakyat na ako ng hagdan, ayday! Help me all saints on the other realm! Mahabag na kayo.

Ano na nga ba ang opinyon ko sa MRT sa kasalukuyan? May ilan akong opinyon na nagbago..una na dito, ang bagong ticket ay mas ok kumpara sa dating napaka nipis na plastic. Yung beep ay kahawig na ng ticket na ginagamit ng Singapore. Mayron na ding ticket vending machine na kagaya ng SG, pero hindi lahat ng istasyon meron nito. Masasabi kong makakatulong ito sa pag ikli ng pila kapag bumibili ang mga tao, dahil mas pwede nang gamitin ito ng mga may stored value cards. Pero naisip ko, mas magiging ok na din siguro kung wala na yung one time use na tickets,lahat gawing stored value na pwedeng loadan sa kahit anong istasyon. Isang magiging epekto nito ay pag iingat ng bawat isa sa kanya kanyang beep, dahil pag nawala mo yun, bibili ka na naman ng bago! :p

Sa usaping pila,medyo hindi ko na ata 'to na eexperience dahil na rin sa oras ng uwi ko...umaga ako umuuwi. Tapos na ang rush hour at karamihan ng tao, pa South pag ganung oras. Sumasakay ako sa pinaka unahang tren, yung puro babae, buntis, bata, senior citizens. So far, wala pa naman akong masamang karanasan na magpapatigil na naman sakin na sumakay ng tren. Yung mga nababalitaan kong nanghihipo o di kaya idinidikit ng lalake ang keme nila sa bum ng babae. Ay puta, pag naranansan ko yun susmaryosep. Hanap na ako ibang trabaho? charot. Wala pa akong desisyon para ito, kaya ayaw ko sumakaydun sa coed!:p Isa pa, lahat ba ng elevator sa MRT stations eh out of order? minsan mahirap iwasan isipin, na baka nagtitipid sila? o baka napunta na sa ibang kamay ng santo yung pampaayos. Diba may pondo sila na ibinibigay ng gobyerno? Para to sa mga kapatid nating may kapansanan, ano na lang gagawin nila? tsk. pasimpleng diskriminasyon. leche kayo mga hangal na kaluluwa.

Pero syempre kahit naman nasa kabilang ibayo ako ng stasyon kung saan nakakahinga pa ng maluwag ang lungs ko, nakikita ko na mukang mahirap padin talaga ang kalagayan nung mga nakakaranas ng pilahan portion. Although, nakikita ko na may pagbabago naman. Nakapili na ang mga tao ng maayos, hindi na kalat kalat. nakapili na sila sa likod ng yellow box na may arrow. Kahit sa maliit na pagbabago, nakakatuwa na ring isipin na kaya pala..na pwede pala, kung gusto ng bawat isa satin.

Ngayong bago na ang nakaupong administrasyon, sana lang, totoo na paparating na yung mga bagong tren na wnwish kong mas mabilis, mas efficient kumpara sa umaalog at mukang mababaklas nang sinasakyan ko araw araw. Sana rin, hindi ko marananasan na huminto ang tren sa gitna ng riles, at kelangan maglakad papunta sa susunod na istasyon. Pag nangyare yun, ayday..katakot takot na reklamo talaga masasabi ko dito.At hindi lang yun, kakain ako ng madaming kanin. charot.

Panghuli, sana sa panahong lahat na ng tao ay naghahangad ng magandang pagbabago, maging bukas sana ang bawat isa na simulan ang pagbabagong ito sa kanilang mga sarili, at wagna lang muna mag reklamo kung puro paninisi lang ang kayang atupagin.

ang MRT. bow.

Comments

readyplayerone said…
Wala ka na sa Call Center na may overpass? :)
RV said…
wala na..nasa ibang kumpanya na ako kung saan wala akong kilala at malayo sa kapahamakan ng chismis..charot!
readyplayerone said…
Celebrity ka siguro dun sa Call Center na may overpass kaya may chismis, kapahamakan talaga?

Btw, keep on posting entries, nakakaaliw mga sulat mo :)
readyplayerone said…
This comment has been removed by the author.
RV said…
naku, hindi. tipong matagal na kasi ako dun kaya madami akong kilala. inevitable as time goes by.hahaha.

naku!isa kang anghel sa lupa.haha.:)

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...