Noon, hindi ko kayang magsulat ng kahit anong bagay tungkol sa love. Lalo pag in love ako, o kaya pag broken hearted ako. Hindi ako ganun katapang para sabihin sa kahit sino kung gaano ako kasaya o kung gaano ako nasasaktan. Kahit sa kuwadradong silid ng blog ko, hindi ko din kayang ibulalas lahat ng sinisigaw ng puso ko.Ganun ko itago lahat ng nararamdaman ko.
Ngayon, nang dahil sa isang tao, lahat ng dati kong ginagawa, nabago. Lalo na yung bahaging, nag ppost ako sa social media networks ng feelings ko para sa kanya.Sa kanya ko lang nagawa yun. At sa kanya ko din natutunan na ihayag lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga blog sites ko. Bakit? Kasi sa kanya ko naramdaman yung sakit na hindi ko ata kayang kalimutan.
Iba nga sya..
Iba sya dahil sya yung unang tao na naging kaibigan ko muna ng matagal bago kami naging...ewan, kung ano man yun.
Iba sya sa lahat ng minahal ko kasi sa kanya ako umasa na sya na yung soulmate ko...na sa kanya, alam kong hindi ko kelangan mag adjust, hindi ko kelangan magbago para lang tanggapin nya ako.
Iba sya dahil sa kanya lang ako madaldal pag magkasama, sa kanya,makulit ako. Pag kasama ko sya, hindi ako nahihiyang ipakita na mahal ko sya,na nanggigigil ako sa mukha nya.
Iba sya kasi hindi ako nahihiya sa kanya, kahit alam kong mabwisit sya, kaya kong maging ako...
Pero iba nga talaga sya, kasi sa kanya ko din naramdaman na kaya pala ng isang tao manakit at iwan ang minamahal nya. Hindi ko sya sinisisi kasi nasasaktan ako ngayon, hindi ko lang talaga naisip na kaya pala nya akong iwan. Hindi ako yung tipong, hindi ko sya pinahalagahan kaya manghihinayang ako. Hindi. Kasi pinakita ko sa kanya lahat ng kaya ko, ibinigay ko lahat ng mga bagay na dati na nyang hinahanap, na hindi nya naramdaman sa iba. Inalagaan ko kung ano yung meron kami.
Pero iba nga siguro sya, dahil nagkamali lang ako ng isang beses na iwan sya, nang ilang linggo lang. Ngunit,bigla na lang sya bumitaw. Bumalik na sya sa ex nya. Hindi ko padin naiintindihan mga dahilan na sinabi nya. Siguro dahil kung ako nasa kalagayan nya, alam kong hindi ganun ang magiging desisyon ko. Hindi ko na siguro kelangan intindihin dahil iisa lang naman ang kelangan kong tanggapin...na hindi ako yung nakikita nyang makakasama nya magbayad sa jeep at sasabihin sa driver na 'Ma, bayad po, dalawang senior'. Wala namang malabo dun eh. Kelangan ko lang talaga tanggapin.
Iba nga sya..kasi hanggang ngayon, umaasa padin ako na magbabago pa ang lahat. hindi katulad dati, na alam kong lilipas din naman yung nararamdaman ko at matatanggap ko din na hindi sila para sakin.
Pero ngayon, masasabi kong iba sya. Kasi tuwing naiisip ko sya, isa padin ang hinihiling ko...ang makasama padin sya hanggang sa huli.
Magmamahal pa ba ako ulit? hindi ko alam. Siguro. Depende. Hindi na siguro? Kasi...iba sya eh.
Comments