Sa taong 2017, ang mga kiddos na magddalaginding o magbibinata palang ay tinatawag na Millenials. Sila ang tinatawag nating Generation Y o Net generation. Pero alam nyo ba, na ang depinisyon ng millenials ay masyadong nag vvary from one source to anaother, so di ko sure kung tama sinabi ko sa una kong pangungusap. :p
Anyway, gamitin na lang natin sya sa aspetong kadalasang ginagamit sa ngayon. Ang millenials ay ang mga nilalang na ipinanganak at hindi pa tntubuan ng wisdom tooth sa mga taong 2000s pataas. Ayan ang common na paniniwala, so stick na lang tayo dyan kesa maghalungkat pa tayo ng iba't ibang depinisyon ng mga matatalinong tao. Mahihirapan tayo,
At! hindi din naman millenials ikkwento ko ngayon! Ako, sarili ko ikkwento ko..at ang pagiging tita ko sa panahong 2017..bago ako mag 27. Hindi ko alam bakit parang utot ang edad..napaka normal na syang ideny..dahil mahirap tanggapin ang katotohanan? Oo, masaklap na 27 na ako, wala pa akong anak! cheret!
Bago pa man tayo mapunta sa napakadami kong diskurso tungkol sa kawalan ko ng asawa't anak, samantalang yung mga ka batch ko eh nakakadalawang offsprings na, sasabihin ko na na feeling ko I'm a tita in every way na ata.
Ito ang dapat nating bigyang linaw. Bakit nga ba tinatawag sa panahon ngayon na tita ang mga kababaihang, walang lablayp at mahilig magkape.
(nakakainis pag napuputol yung train of thoughts no, tinawag kasi ako ng bagong lutong hotdog)
Bilang isang tita na talaga, dahil sa dami kong inaanak at pamangkin sa mga cousins, naniniwala akong isang mabuting bagay ang pagiging tita sa panahon ng kabataang mahilig magselpon lang at kumukuha ng simpatya sa internet, pagdating sa mga bagay sa buhay.
Una sa lahat, napatunayan kong di pa ako kinakain ng sistemang Generation Y. Dahil 6months ko nang tinigil ang pag ffacebook at nabubuhay padin naman ako. Well, may instagram pa pala ako at twitter. Pero ang sinasabi ko lang, kinaya kong mag detach sa pagppost ko para lamang malaman kong madami akong kaibigan, o followers na nag llike lang naman sa mga posts pag nakakarelate sila. :p Hindi ko alam anong merong sa facebook, para syang nakakakain ng sobrang daming oras, pero after mong gamitin, may sense of kalungkutan, emptiness even. Siguro dahil hindi naman napapantayan talaga ang human interaction, na kahit sandamakmak pang likes ang nakukuha mo sa isang araw, ay hindi kayahng ibigay ng fb yon.
Pangalawa, masyado n akong nag rant tungkol sa fb system. Hindi na ako yung tipong gusto ko nasa labas ako lagi tuwing weekend, na laging umiinom, o di kaya nakikipag socialize lagi. Dumadating ata talaga yung panahon na, mas gusto mo na lang sa bahay,mag ayos sa kwarto, maglinis ng cabinet, magluto, mag bake! :), excited mahiga,o di kaya, mas gusto mo na lang ng tahimik na lugar. At! dahil yung mga friends ko kasi eh me mga jowabels, at busy din sa trabaho, hindi na din naman talaga kayang pagtagpiin ang iba't ibang uri ng schedule ng mga kaibigan mo. Ngayon ko naintindihan, na ang mga kaibigan, hindi mo man madalas makasama, dahil life happens, ,andyan lang sila...kaibigan mo padin pag natripan nyong mag get together. :)
Pangatlo,masarap ang kape. Mabango ang freshly ground coffeeee na naamoy hindi lang sa coffeeee shops. Dadayuhin mo pa talaga ang mga nagbebenta. Charot. Di pa ako umaabot sa ganon. Napalitan lang ang hobby kong paginom ng alak, with kape o tea. Dati hindi ako umiinom ng tea na mainit. Iced tea lang o flavored tea only. Pero ngayon, me nalalaman pa akong chamomile for bloatedness, green tea for increased metabolism. Kahit ayaw ko ng green tea, dahil para akong umiinom ng dahon dahon na nilalanggas o inihahampas sa mga naeengkanto nung mga albolaryo sa kabundukan. Pero mabango yung green tea na pabango, at sabon (may sabon ba? o baka guni guni ko lang yon). :p
Pang apat, nahihilig ako mag grocery! Eto hindi ko alam kung after quarterlife crisis eh nahihilig ka magluto. Nagluluto naman na ako dati, pero ngayon, nahihilig talaga ako, every weekend, nasa supermarket ako. Hindi na ako masyado napapabili ng books at damit, dahil sa supermarket na ako napapagastos, kakabili ng ingredients ng mga gusto kong subukan na lutuin. Ngayon, nag ppractice ako gumawa ng pasta, dahil parang lablayp ng nakararami ang gawa ko dati. Maalat. Ngayon, dahil ilang linggo na din ata akong nag ppasta every weekend, natutunan ko nang controlin ang pagdadagdag ng asin sa red sauce. Pero hindi ko padin alam ang tamang sukat ng red wine para magheighten ang flavors. Ang goal ko ngayon...salted egg carbonara. Soooon!
At nag bbake na din ako! dati di ko marunong kahit brownies man lang, o cookies. Ngayon, nakakapag bake na ako ng muffins, and iba ibang cookies. Sa susunod gagawa na akong bakery! My dream! Naalala ko bigla...pangarap ko magka bakery, na dinadayo ng mga pupungas pungas na neighboring friends, para bumili ng pandesal kong colorful. :) Now, I think, my baking journey would lead me to this forgotten dream! :) Kaexcite!
Masyado na akong nag daydream dahil naalala ko yung dream kong bakery. Nakalimutan ko na mga isusulat kong sunod. Someday! :)
Panglima, on a more serious note, people coming my age, na rerealize na at some point, we need to be more adults and think of the future more than ever. Eto yung nakakatakot, kaya wag na natin pag usapan. hahaha. Pero honestly, ever since I detached to the world of superficial affection and unrelenting sex songs, mas napapakapit na ako sa realidad ng buhay, na mahirap kumita ng pera, at mag ipon sa Pilipinas! haha. Mangingibang planeta na lang ako at magtanim ng patatas gamit ang jebs ko pang fertilizer! :p
Pang anim, being a tita, with a lot f inaanak and pamangkins, you get giddy and forever gigil to kids. Andaw? Syempre, titas of manila, usually, dont have kids of their own, so ag nakakakita ng bata, eh naiinggit! Charot. Well, oo nakakainggit paminsan, dahil ano pa ba ang mas malaking gantimpala ng buhay, kundi magluwal ng supling na magiging ka twinning mo sa mga ootd pikchurs diba? Wala! ayun na yung ultimate goal dito!
Pang pito, bilang batang 90s (usually), naappreciate mo lahat ng mga bagay bago pa man sakupin ng teknolohiya ang ating mundo. Lahat ng kaligayahang naidulot satin ng pagpunta sa kapitbahay na kaibigan, makikain, makipag teks, taguan, agawan base, luksong baka, pagbili ng holen sa mga tindahang malapit sa eskwelahan, pag taya sa kara krus, pagpili ng makukulay na sisiw at matatag, at walang malisyang pagkakaibigan, ay pawang magagandang alaala na lamang. Ngunit, para na rin syang pride sa ating mga tita, na naabutan natin ang buhay na wala pang everwing para pagpuyatan.
Pang walo, mabilis mapagod ang mga tita...kaya kahit gusto ko pang dugtungan to ng mga masasaya kong thoughts, nalamig na yung kape ko, mag bbake pa akong mini cookies na order for tonight.:)
May SONA mamaya, manood tayo at magpaka political analyst kahit wala tayong alam.
Comments
click click