Skip to main content

Wassup Ketchup sa Alapaap?? Another update,parang Apps

Hello Blog!! how are you doing today? Im doing great, after I ate arroz caldo and shortbread covered in milk chocolate! Very good for my sore throat. Feeling kinda under the weather that's why I'm stuck in bed updating my ever so loyal wall of feelings.

Inarte level 121.

It's been a month na pala mga lodi nun last kong entry, medyo naging busy ang lola nyo dahil sa dami ng orders. Syempre Christmas season,madami nag order ng pa give aways at pang regalo. Ang ating tindahan ay akmang akma sa mga friendly nating parokyano na buong opis ata nila eh gusto nila bigyan ng aginaldo. Ninang of the year award ang peg. Pero ultimately, its the seasong of gift giving, kung meron ka naman maibabahagi sa mundong napaka marahas at madumi katulad ng ating bansang Pilipinas, eh why not diba? Ika nga ng motto ng aking cookies, putting a smile on the face of the Earth, one cookie at a time. Hindi man sobrang expensive nung sweets na bnbenta ko sa madla,it'll make someone happy. 

Since I started baking, blessing rained on me and family. When it rains, it pours talaga. We've given so many opportunities to extend help to others. Nung minsan na halos araw araw may orders ako all over the place, my team mate mentioned about the kids in the orphanage na pinag sserve-an nya. Hindi daw sila nakakakain ng chocolates or any sweets. So minsan nag bbake ako, a cookie spoke! hahaha. joke lang. pero diba, what ano na lang ba yung cookies na ginagawa ko para sa ibang tao kung hindi ko din naman i sshare sa mga batang cutiebels. Chaka,nakakainspire yung ka team ko na yun. Sobrang selfless nya, it's as if, she already dedicated her life to serve other people. Pang pulitiko.charot. nung binigay ko nga sa kanya yung bag of cookies, she cried!!! Akala mo sya yung magulang nung mga bata!Na appreciate nya ng sobra. It's very humbling to know that I am very fortunate with the life God gave me..hindi man perpekto, pero sobrang blessed. 

Yung kwentong graham balls naman, na recently eh tripnamin ni mama lagyan ng iba ibang kulay na sprinkles, pinamigay ko sa mga naglilinis ng CR samin at mga guards sa building.  Even tough men crave sweets! Natutuwa kasi ako pag yung mga ka work kong lalake eh umoorder ng brownies,o cookies o graham balls..tas mag rerequest pa sila ng gusto nilang toppings. Feeling ko sila din eh nag ppms kaya nag ccrave ng sweets. :p Pinaka memorable sakin yung ate na naglilinis ng cr sa floor namin. Gandang ganda ako sa muka nya. Nahihiya pa nga ako sa kanya, kasi tuwing tinatawag ako ng kalikasan at sasagutin ko ito, andun sya. Pasensyana ate, pero ika nga sa opis natin #liveyourpurpose. Charot lang. Hinanting ko sya ng ilang araw kasi tuwing mamimigay na ako lagi na lang nakauwi na syaaaa. Lumagpas ang maja blanca at muffins na nakalipas at di ko sya naabutan. Medyo hindi naman kasi hygienic kung pag jjebs ako eh dala dala ko yung bigay ko sa kanya diba.. So talagang bandang end of day ko pinamimigay ang foodies natin. Nung nachempuhan ko na sya,akala nya may krimen sya ginawa kasi nagulantang sya talaga nung sabi ko "ATE SA WAKAS!!!" ayun soft spoken sya,after ko abutan eh di ko naintindihan yung sinabi nya..Mga 2 sentences yun. Wala ako na comprehend kahit isa. Shunga ko lang.hahaha. Nag llip read ako,pero wala ako talaga naintindihan. Baka French sinabi ni ate kaya siguro di ko na gets. 

Disclaimer in the middle of the desert. Di ako nagyayabang, I am merely documenting my heartfelt experience, which made me appreciate life even more. And these recent events inspired me to work harder, to share more smiles and be a better me, so I can be a blessing to others. :) 

Lastly, we started what others are doing din, na every Christmas,you just drive around and share food to the street peeps. Medyo ang sad lang maglibot,although, you wanted to help...nag bibisyo kasi sila. Nevertheless, we did what we aim to do, share spaketiiiiii and cheken to ebribadeee.:p We avoided yung spots na dinadaanan na talaga kasi me nadaanan kaming isang kuya, nung inabutan namin, tinanggihan nya! Sabi nya madami na sya pagkain. hahaha. Me buffet na ata sya kasi mga 5 na styro na yung nasa pwesto nya. gusto ko nga itanong ano handa nya eh, ako na lang makikikain. hahaha.

So many firsts this year..:) Hindi ako nag eexpect ng pasasalamat sa mga taong binigyan ko, bagkus! ako ang gusto magpasalamat kasi sila yung nagbigay sakin ng pagkakataon tumulong. Umpisa palang ng mga bagay na marerealize ko pa siguro, dahil hindi ko gusto na sa ganun lang yung tulong na gusto kong ibigay. Mas gusto ko magbahagi ng inspirasyon din para maging mabuting tao din sa iba. Parang sa isang clip na napanood ko sa youtube..sabi eh "a simple act of caring creates an endless ripples".Ganda no? I want to pass along not just food, not just a cookie, but kindness to human race. :) And that should be the legacy we want to leave for the next generation! 

Pak! sali na kaya ako sa Miss Universe?:p Wakas na mga kapatid.

Comments

Anonymous said…
Apir! ��

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...