Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2018

On a more serious note..Let's talk about Rape

Nabasa ko lang to kanina sa FB, si senator alampay Hontiveros nagsabi, "Instead of teaching our women how to dress 'appropriately', and limit our choices, our police forces should help in educating our public, especially men, that forcing themselves upon women is unacceptable and constitutes rape". Ang masasabi ko lang, hindi lang 'to sa kababaihan, para to sa lahat ng tao, regardless of the sex or gender, public awareness to the nth level. Maraming kaso ng rape na hindi naisasama sa istatistiko, lalo na sa mga probinsya, liblib na baryo na hindi naaabot ng awtoridad. May alam akong kwento na nagmula sa mismong babae na nakaranas ng rape, sa mismong tatay nya. Nung kinwento nya 'to samin na ilang kasama nya ng oras na yun, nanlumo ako. Sobrang gaan lang yung iniwan ako ng tatay ko, at nagpakasal at nagkaron ng ibang pamilya, kaysa, magkaron ng ama na paulit ulit syang ginahasa nung bata pa sya. At hindi lang sya, pati ate nya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, ...

Rainy Days brought Rainy thoughts

Some time last week, my emotions are everywhere. Work was a ok,just the normal adjustment period. Tryna settle in, and build a nest of my own. Family is ok, room is getting a make over, thus all my things are literally everywhere, thus again, I can't fully arrange all my books to be kept, and to be given away. Business is kinda not ok, I'm losing some of my network, I have to have consistency in this. Although, I can't focus on that, if I am still tryna be good at my new job. So, it takes a lot of my time. Especially my thinking time. Then, what else is there more cliche than love,to talk about? Ano na naganap? Ayun ang problema,walang nagaganap. I tried to fight, to make this work...Pero, feeling ko nagkatotoo na yung sinulat ko before, na paano ka lalaban sa giyerang hindi pa man nagsisimula, meron na agad sumuko. Hindi pa man nagbibigay ng hatol ang tadhana, bumigay na sya at nawalan ng pag-asa. I was confused. Ano ba ginawa ko para hindi piliin? Ako ba ay laging le...

Living with Facebook again

Sa totoo lang, wala pa ako masyadong natututunan sa FB ngayon. Maliban sa sobrang daming naglipana na mga videos na hindi ko bet and mga content. Alam mo yun, kahit konti palang naman friends ko don, yung mga na sshare na di ko gets bakit natatawa sila. Like, mga tao sa probinsya na tinatawanan nila, mga videos kung saan na unaware yung tao. Yep, pwede ikwento, pero yung i eexpose mo sila sa mundo ng mapanghusgang social media, without them knowing..di ko alam kung gusto ko pa to. Masyado ako nakekerid away. hahaha. Anyway, iniisip ko na lang yung main reason why I went back to fb..network! Naghahanap ako ng mga open minded. char! hahaha. Pero ang nakakaloka, yung mga friends kong alam na wala akong fb, minemessage ako, may poser daw ako. windang mga friends! Feeling ko famous ako sa level na yun. Wala yun lang talaga gusto ko sabihin. Nacculture shock pa ako sa mga ganap sa FB. Diko na alam paano gamitin yung ibang features. So saka na ulit. Bbye. :p

Napapikit ako...sabi ng utak kong title: "Yayamoyay"

I wouldn't consider myself kind. I wouldn't consider myself as forgiving. But I consider myself understanding. Why am I writing this? To conclude a chapter, I didn't realize I left hanging. Kaya ko na ba? I've written several, well, a lot of blogs about that one friend turned lover. Or so I thought. Actually hindi ko alam sasabihin ko. Ang alam ko lang, kelangan ko lang sya ilagay dito para tapusin yung mga masasakit na pangungusap na nasimulan ko. Yung mga alaala na sa tuwing magugunita ay parang sugat na pilit binubuksang muli. Masakit padin. But the questions, the hate, the regret...they are all gone. I've come to terms with the idea that people make choices that are convenient for them, those decisions that would make them feel better about themselves. Kasi, at the end of the day, it's always our view about ourselves that matters. And if you don't see yourself as walang kasalanan, you will end up like me, staring at my ceiling thinking, how misera...

I found the Elixir of Life

Also known as Elixir of Immortality, o kaya Sorcerer's stone, o kaya philosopher's stone. Parang nasa Harry Potter 1, yes. Pero ayon sa mahiwagang libro ng wikipedia, ito ay potion, na pag ininom ng sinuman, magkakaron sya ng walang hanggan na buhay at kabataan. Sino nga ba ang hindi maghahangad neto? Simula pa nun ancient times, madaming hari na ang nagpadala ng ekspedisyon kung saan saan, para lang mapasakamay ang cocktail na ito. Di pa kasi uso bars non besh. Sa tinagal tagal na nabubuhay ang human beings sa planetang ito, wala pang naitatala na nahanap na ang elixir of life. Nakalimutan na siguro ng mga tao ito, archaeologists, salamangkero at mga kulto na lang ata ang naghahanap neto.  Ano na nga ang pananaw natin tungkol sa elixir of life? Kapag nagtanong ka sa kung sino, "ano ang maaring makapagbigay ng walang hanggang buhay at kagandahan/kabataan sa mundong ito?". Mabilis ang sagot nyan! "Si BikiBelo!" Kung medyo may seryoso na sasagot, ...

Ang Tumataas na Statistiko ng Nagpapakamatay

Sa bawat napapabalitang pagpapatiwakal, ilan kaya ang hindi naibabalita? Sa bawat naipapanganak sa ating bansa at naitatala sa NSO (or dun sa bago nyang pangalan, PSA), o sa buong mundo, ilan nga ba ang hindi nailalagay ang datos dahil sa bahay o sa malalayong nayon lang naipanganak? Iisa lang ang pagkakapareho nito...hindi natin alam ang tunay na dami nila. Sa dami ng nakakasalamuha nating tao sa araw-araw, hindi lahat sila alam mo ang dinadala nilang suliranin sa buhay. Pero ano nga ba ang pagkakapareho natin sa isa't isa? Hindi natin naisip yun, at patuloy lang tayo sa panghuhusga, dahil ang asal nila o pagkilos ay hindi ayon sa depinisyon natin ng 'tama'. Naikwento ko na dito minsan, yung pinsan kong nagsuicide. Marami syang suicide attempts, pero hindi namin alam yun..konti lang ang nakakaalam sa pamilya na ilang beses na syang sumubok na bawiin ang buhay nya. Para sa aming nakakarami, masayahin sya, super joker, napapaiyak ako non sa tawa. Walang bakas n...