Also known as Elixir of Immortality, o kaya Sorcerer's stone, o kaya philosopher's stone. Parang nasa Harry Potter 1, yes.
Pero ayon sa mahiwagang libro ng wikipedia, ito ay potion, na pag ininom ng sinuman, magkakaron sya ng walang hanggan na buhay at kabataan. Sino nga ba ang hindi maghahangad neto? Simula pa nun ancient times, madaming hari na ang nagpadala ng ekspedisyon kung saan saan, para lang mapasakamay ang cocktail na ito. Di pa kasi uso bars non besh. Sa tinagal tagal na nabubuhay ang human beings sa planetang ito, wala pang naitatala na nahanap na ang elixir of life. Nakalimutan na siguro ng mga tao ito, archaeologists, salamangkero at mga kulto na lang ata ang naghahanap neto.
Ano na nga ang pananaw natin tungkol sa elixir of life? Kapag nagtanong ka sa kung sino, "ano ang maaring makapagbigay ng walang hanggang buhay at kagandahan/kabataan sa mundong ito?". Mabilis ang sagot nyan! "Si BikiBelo!" Kung medyo may seryoso na sasagot, "Cryogenesis, Cloning, Science already has answer to those, no need to find it in far-flung places. It's not a potion, it's called scince."
Pak na pak! Pang Miss Q&A. Pero totoo, sa kasalukuyan, madami ng nadiskubre ang siyensya na sasagot sa matagal ng hinahanap ng tao na, "immortality". Hindi na malayo sa future na magiging robot na ang mga tao! Charot. Let's not get into that topic. Ang gusto ko i point out dito, without science and shit. Ano nga ba ang maaring makapag bigay sa atin ng mga hinahangad nating kabataan at buhay na walang hanggan?
Kelan ko lang pinaniwalaan to, "people don't age when their skin wrinkles, but when their hopes and dreams wrinkle". Tama sila, na ang tao, hindi tumatanda, yung katawang lupa lang. - yung balat nag iiba ng kulay, kumukulubot, nalaagas ang mga ngipin, namumuti ang buhok. Pero ang puso at isipan, wala pa naman sinasabi ang siyensya, na kumukulubot din ito. (ang alzheimers ay hindi epekto ng pagkatanda, ang edad ay predisposition lang para magka alzheimers, hindi sya dahil matanda na ang tao, kaya nagkaaron nito). Lalo na ang puso. Lahat tayo nakasaksi na ng true love. Sa mga lolo't lola natin, sa mga magulang natin, sa tv, sa radyo, sa libro, at kung saan saan pa. Kahit sa pagtanda, ang pag-ibig hindi sya naluluma. Ang dalawang taong nagmamahalan, hanggang kailan, walang pinagkaibahan. Sweet padin sila, kinikilig padin sila, para pading teenagers kung maglambingan.
Pero meron din yung mga scenario na, sa hinahaba haba man ng taon, kung sino man maging asawa mo at anak, kapag ang totoong kahati ng puso mo, at hindi mo pa nakikita, darating at darating sya. Regardless kung anong edad pa yan.
Recently, ganon yung nasaksihan ko, sa tita ko. Nasa 60s na sya. May asawa sya, may anak, may mga apo na nga. Pero hindi na sila nagsasama nung asawa nya, matagal na. Civil sila ganon. Kamakailan, nagparamdam sa kanya yung childhood bestfriend nya. Well, nung bata pa daw sila, bet na sya nung kuyabels natin sa kwento, pero bff sila, so hindi sila naglandian. They remained friends for sooooo long. Pero a few months ago, nang magkakwentuhan sila and all, biglang nagka spark! Oo mga besh, nasa late 60s na sila pareho. Kakaloka, daig pa ako eh!Nagkita sila sa US of A. Nagbakasyon si tita don, at doon nanumbalik ang lahat ng kanilang memories back then in the ewan anong era. :p Nakita nya ulit mga kapatid ni kuyabels, na bet na bet din naman pala sya na makatuluyan ni kuyabels. Ilang months ang tita natin don. Sila na pagbalik ni tita dito. Nagkwento sya sa isa ko pang tita. Sabihin na natin ang proximity ko sa kwentuhan nila ay hindi maipagkakaila ng tenga kong rinig na rinig ang lahat. Hindi ko kayang ipatanggal ang tenga ko para lang ma 'unhear' lahat.
Yung kwento nila parang pag pbb teens. tipong merong hindi masaya sa jowa, me dumating na bff na super bet naman pal ang isa't isa. so hindi alam pano ibbreak yung isa. Kung mag kwento ang tita natin eh para ding kwentuhan natin with friends, me landi, me kilig at merong ngiti na namumutawi sa mga labi. Hindi maipagkaaila na inlababo, ganon.
Idisregard natin yung katotohanan na meron syang asawa. Naisip ko lang, na wala pala talaga sa edad o sa katayuan mo sa buhay ang umibig. Wala syang pinipiling lugar, panahon, at henerasyon. Basta na lang syang dadating, like a thief in the night. Pero hindi ka nya nanakawan, bibigyan ka pa nga nya ng bagong pag-asa at kasiyahan. Hindi sya tumatanda, hindi sya naluluma. Naipapasa pa nga sya sa susunod pang panahon.
Sa totoo lang, ang tita na pinag uusapan natin, sya yung tipong masungit na tita. Yung ayaw mong makausap kasi papagalitan ka. Ganon sya. Laging naka busangot. Pero ngayon, ay suspordiosporsanto, nawal ang wrinkles ng tita mo, lagi sya nakangiti at! lahat ng tao frennibels na nya.:p
Alam ko, di natin pwede isawalng bahala na may asawa sya. Kasi kasalanan ke Papa God yon! Alam naman nya ginagawa nyam kumunsulta na sya sa pari, nangumpisal at humingi ng payo. Sana lang, bilang fairytale like na yung story natin, it will end happily din.
Nakakatuwang isipin na sa pag-ibig may mga gantong kwento na pwede ishare sa mundo. Nakakainspire. Na kahit ilang taon na ako, wala padin akong jowa na mag ppropose sa kin, at malayo pa sa hinagap ng k-12 curriculum, ang makapag bigay ng apo sa excited kong nanay, nararamdaman kong meron pa akong pag-asa! Sabi nga natin kanina, panlabas na kaanyuan lang ang tumatanda, pero ang puso ko, at utak pang bebi padin.
Saan ko kaya mahahanap ang elixir of life ko? Charot! :D
Comments