Sa bawat napapabalitang pagpapatiwakal, ilan kaya ang hindi naibabalita?
Sa bawat naipapanganak sa ating bansa at naitatala sa NSO (or dun sa bago nyang pangalan, PSA), o sa buong mundo, ilan nga ba ang hindi nailalagay ang datos dahil sa bahay o sa malalayong nayon lang naipanganak?
Iisa lang ang pagkakapareho nito...hindi natin alam ang tunay na dami nila.
Sa dami ng nakakasalamuha nating tao sa araw-araw, hindi lahat sila alam mo ang dinadala nilang suliranin sa buhay. Pero ano nga ba ang pagkakapareho natin sa isa't isa?
Hindi natin naisip yun, at patuloy lang tayo sa panghuhusga, dahil ang asal nila o pagkilos ay hindi ayon sa depinisyon natin ng 'tama'.
Naikwento ko na dito minsan, yung pinsan kong nagsuicide. Marami syang suicide attempts, pero hindi namin alam yun..konti lang ang nakakaalam sa pamilya na ilang beses na syang sumubok na bawiin ang buhay nya. Para sa aming nakakarami, masayahin sya, super joker, napapaiyak ako non sa tawa. Walang bakas na meron syang mabigat na dinadala, kasi nagpapasaya sya ng madaming tao. Malayo sana ang narating nya, kasi bibo sya, mahilig sya mag english, hindi sya mahiyain. May legit na charisma sa tao.
"From 2012 to 2016, there were 237 suicide cases among children aged between 10 and 14, according to Ericta.
Of 2,413 suicide cases recorded in 2016, more than 2,000 were male and the rest female, according to the Department of Health."
Nakita ko lang yan sa isang article sa Internet. Yan ang katotohanan na hindi nga ba natin kayang tanggapin, kaya dndeny natin sa sarili natin na, we could have done something to reduce that number. Kung iisipin mo, isa sa mga numerong yan, kakilala mo, na kaibigan mo, o kakilala ng kakilala mo.
Paano nga ba natin maiiwasan na lumago pa ito?
Simple: maging mabuti kahit kanino, wag mambully (ng hindi ka close, pero kahit ka close, sukatin mo padin ang pikon-ness level ng kaasaran), umintindi sa kapwa, isipin lagi na hindi mo alam ang pinagdaanan nya para lang makaabot sa ganyang punto ng buhay nya, maging mapagbigay (yung reasonable, wag yung katangahan), at higit sa lahat, sundin natin ang 'love thy neighbor' rule. Pero wag asawa ng neighbor. Mahirap na.
Meron pa palang isa, increase human contact (hindi yung kalaswaan na iniisip mo). Catch up session ganon, inuman session! Dyan lumalabas ang mga adhikain natin sa buhay eh. At masayang maalala yung mga pinagsasabi ng mga kainuman mo pag normal na kayo ulit. :p Tipong sinusumpa mo na yung alak, pero yung mga memories na nabuo, ayaw mong tantanan. Habaan ang kwentuhan, samahan ng san mig light.:p
Kung lahat tayo ganto, walang taong makakaramdam ng pag iisa, walang taong makakaisip na iwan na lang ang mundong to dahil walang nakakaintindi, o nagmamahal sa kanila. At isipin mo din, at your lowest, gusto mo rin naman na may dadamay sayo diba? Think about those times you were sad and your friends, family or even strangers did a little good thing which made you feel better.
Sabi nga ng isang sikat na human being, na di ko matandaan ang pangalan, 'be the change you want to see in this world'.
wakas.

Comments