Skip to main content

Rainy Days brought Rainy thoughts

Some time last week, my emotions are everywhere.

Work was a ok,just the normal adjustment period. Tryna settle in, and build a nest of my own. Family is ok, room is getting a make over, thus all my things are literally everywhere, thus again, I can't fully arrange all my books to be kept, and to be given away. Business is kinda not ok, I'm losing some of my network, I have to have consistency in this. Although, I can't focus on that, if I am still tryna be good at my new job. So, it takes a lot of my time. Especially my thinking time.

Then, what else is there more cliche than love,to talk about? Ano na naganap? Ayun ang problema,walang nagaganap. I tried to fight, to make this work...Pero, feeling ko nagkatotoo na yung sinulat ko before, na paano ka lalaban sa giyerang hindi pa man nagsisimula, meron na agad sumuko. Hindi pa man nagbibigay ng hatol ang tadhana, bumigay na sya at nawalan ng pag-asa. I was confused. Ano ba ginawa ko para hindi piliin? Ako ba ay laging letter D? none of the above yan lagi sa exam. Hindi ako magmamapait kasi wala akong karapatan, yung sing ganda nga ni Selena Gomez, hindisya ang na choose na best answer ni Justin Bieber.  Hindi rin naman ako Pokemon para piliin. So, steady lang ako.

I just felt blessed lang, that's why I'm writing this. Kasi, hindi ako yung tao na magmemessage ng friend just to rant about how I feel, unless tatanungin ako. Ayun, wala akong pag iimbot na magkkwento. Pero pag hindi ako tinanong, quiet lang ako. I don't want to be a burden to anyone, to make someone listen to my unending apprehensions in life. Unless, the person confirmed that he/she has the spare time to lend an ear. Ayun nga, I was miserable for a few days. Natulo ang tears kahit naghahanap lang naman ako ng Plant Nutritionist para sa mga pinya sa Mindanao. Walang nakakaiyak don, pero naiiyak ako. Kasi feeling ko ang shwanget ko, walang substance, walang karapatan mahalin. Kiwawa naman ang pobre, nag self pity. Then, someone, I did not expect to be there for me, asked me if I was ok! Saktong sakto parang coke sakt, at x-sakto na chuchirya. Napakabuting human being. Nabawasan yung bigat na nararamdaman ko, and napag isip isip ko, na wag higpitan ang kapit sa bagay na wala naman kasiguraduhan. Ayaw ko ipilit ang bagay na hindi naman meant to be. At alam ko, na sa huli, mangyayare ang dapat mangyare. I may not know why my heart was broken..again. But, I trust that someday, things will be clearer than daylight.

Ayoko problemahin to kasi mas malaki pa problema sakin ng mga tao sa ibang panig ng mundo, na nagugutom at kumakain ng lupa. Eto, butil lang to ng bigas, kumpara sa ibang problema ng mundo.

To end this kaartehan, I'm writing stories again. Puro plot, di ko maituloy tuloy sa storyline na mismo. Patience is a virtue. Dadating din tayo don. Parang EDSA, kahit naman ma stuck ka sa traffic, pasasaan ba't makakarting ka din. Hindi nga lang siguro on time, or sa kagustuhan mong oras..pero makakarating ka. :) 

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...