Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2018

Sensible Ways to Move-on (Extended Version)

Last year, may entry ako dito entitled,  Para sa mga Gaga: The Most Sensible Way to Move-on..nang Maganda padin Note para sa mga mahilig manghusga, ilan sa mga sasabihin ko dito, inulit ko lang sa previous post ko, tapos dinagdagan/binago ko lang, para applicable sa lahat na ng genders. So ieextend natin ang lecture natin sa mga kaibigan nating kalalakihan at iba pang gender na naimbento, na sinusubukan lakbayin ang daan ng moving-on. Sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng matinong alien na maahalin. Nasabi kong alien, kasi parang foreign na ngayon  makadaupang palad ang mga taong sincere umibig. Pero ang nakapag tataka, andaming humahanash online na sawi sila, at bakit sila malas sa pag-ibig eh mabait naman sila. Hindi kaya, nasa virtual world na lang ang mga gantong tao? Di na sila lumalabas, parang Jumanji, nahirapan na sila lumabas sa game! Ah basta, saka ko na iisipin yan. Ang focus natin today ay ang pagmmove on. MAGMOVE-ON, CAPS LOCK PARA INTENSE!! Isa...

What Booze can Do

Late upload. Haha. Nasimulan ko na to last month, di ko lang matapos because lagi ako na ddistract ng ibang ideas. Hindi ako mangungutya ng kahit sino sa post na 'to.  Dahil alam kong ang alcohol ay magical potion na madaming wonders na kayang gawin. :) At hindi ko din kaya mabuhay ng walang alcohol sa mundo. I love beer, and naddistinguish ko na differences ng mga lasa nila, according sa presyo nila. charot! According to studies, at according na din sa sasabihin kong example, ang alcohol ay nagpapababa ng social inhibitions, nagbabaon sa lupa ng social withdrawal, at nagbibigay ng powers of confidence and kahit anong uri ng alak. Iba iba tayo ng tolerance, so di na ako magbibigay ng sukat kung ilan iinom ng bawat isa satin, bago magkaron ng wonder powers to talk with anyone. A few weeks ago, nag birthday yung kapatid ko sa isang hotel sa Ortigas. Inimbita nya yung friends nya from highschool, college and workmates. Syempre hindi sila magkakakilala. Nung dinner palang, hindi...

A year older, but not wiser

The day I was born was cloudy with a chance of meatballs. Last Tuesday, it was raining cats and dogs and frogs and turtles. I was not exactly in the festive mood to celebrate, for reasons I can't share yet, or baka nga na share ko na nung mga nakaraang taon. Alam mo na ma-emote tayo sa gantong mga okasyon. I don't have a lot of sensible things to say, but I have a million reasons to be thankful for, and realizations that helped me get thru series of storms. Alam kong swerte ako sa buhay, hindi man ako kasing yaman ng iba, hindi man ako kasing successful ng iba, alam kong mas maswerte padin ako sa iba. Meron akong bahay na tinitirhan, pink na kwarto, asong mabalahibo, pagkain na for sharing, oven na pang bake, ref na madaming tubig, malambot na kama, elektrikpan na maingay, chenelas at sapatos, damit na minsan nakukulangan pa ako, mga laruan na kinolekta ko from Mcdo happy meals, maraming libro na masaya kong pinamimigay, minsan bnbenta ko para di magalit mama ko, may tra...

A Carpool Story

Minsan, gusto ko naman talaga mag bus. Kaso hindi na kaya ng pasensya ko at ng kaluluwa kong makipagbakbakan sa ganun araw araw. Kaya kahit gumastos ako ng magkano, kakaririn ko na lang magtipid sa ibang bagay. Gusto ko man dalhin yung sasakyan namin, mahal naman ang parking. Dito nagsimula ang grab stories ko. Gusto ko silang tawagin fieldtrips. Kasi bawat trip, para akong pumupunta out of town. Maliban sa trapik, iba iba yung nakakasama ko. Me special trip/ grabcar, merong  fieldtrip/grab share. Kasi may mga makakasabay ka sa sasakyan na same route mo, pero syempre magkaiba kayong bahay! Kung sino mas malapit, sya mauuna. So sa mga na experience ko, minsan ako nauuna, pero madalas ako yung huli. Kaya pag me nagkamali sakin, alam ko na bahay mo tol! Charot lang. Polite mga nakakasabay ko. :) Iba ibang passengers na din nakasabay ko. Merong mag jowa na sabay papasok ng office, magkapatid na papuntang mall, kuya na may sipon pero papasok padin, ate na ang tagal mag make up, ate...

Another Sad Poem on a Sunless Day

There I was, in a desolated room, staring at a flickering, nearly busted light bulb, I know, I'll lose the light, but I just stared at it, Like a soldier ready to face death and darkness. But deep down, I'm like everyone else, afraid to be cold and solitary, To be there, in that same deserted place, alone kissing melancholy. That's how life turned out, after struggle comes joy, and in a flash, it led me to this chamber named after agony. Maybe to ponder on my life's slips, or maybe, this could be a sign; a prelude to what's coming next. It could be happiness, or it could be another miserable chapter. It could be neither. As I sat there, not knowing what to do or where this darkness will take me, I scooped out my glass of pixie dust. I've always kept one to share with others, to light up freezing, gloomy days, to pinch a smile on their faces. But it was just like my heart, empty. I wept, sang a thousand sonnets, begging the light to come back, un...