Skip to main content

A year older, but not wiser

The day I was born was cloudy with a chance of meatballs. Last Tuesday, it was raining cats and dogs and frogs and turtles.

I was not exactly in the festive mood to celebrate, for reasons I can't share yet, or baka nga na share ko na nung mga nakaraang taon. Alam mo na ma-emote tayo sa gantong mga okasyon.

I don't have a lot of sensible things to say, but I have a million reasons to be thankful for, and realizations that helped me get thru series of storms. Alam kong swerte ako sa buhay, hindi man ako kasing yaman ng iba, hindi man ako kasing successful ng iba, alam kong mas maswerte padin ako sa iba. Meron akong bahay na tinitirhan, pink na kwarto, asong mabalahibo, pagkain na for sharing, oven na pang bake, ref na madaming tubig, malambot na kama, elektrikpan na maingay, chenelas at sapatos, damit na minsan nakukulangan pa ako, mga laruan na kinolekta ko from Mcdo happy meals, maraming libro na masaya kong pinamimigay, minsan bnbenta ko para di magalit mama ko, may trabaho akong nakakabuhay ng pamilya, may koche kaming parang nakakaintindi na wag syang titirik malapit na ang susunod na gasolinahan, pamilyang may sayad, mga kaibigan na kahit weird ako lab padin ako. :)

Madaming bagay na gustong kong makuha, mga lugar na gusto kong marating, mga dagat na gustong languyin, mga daan na gusto kong i-bike, kung marunong lang ako, matututo din ako non pramis! Marami akong problema na iniisip, marami akong mga bagay na gusto kong gawin pero hindi ko magawa, dahil sa mga di maiiwasang kadahilanan. Pero sa tuwing naiisip ko na may mga taong kahit isa sa meron ako ay wala sila, hindi ko maatim magreklamo, hindi ko maisip na magdasal pa para sa mas magagarbong bagay. Masaya na ako sa katahimikan tuwing Linggo ng umaga, sa amoy ng kape, at sa mga ngiting nakikita ko sa tuwing nag sshare ako ng baon ko. :) All those simple things meant so much to my mental health. Pakiramdam ko sa tuwing nalulungkot ako, tapos ireremind ko yung sarili ko sa mga priceless things na nakapag pasaya sakin, kumakalma na ako. Hindi ko na nararamdaman na may kulang.

Pero may kulang pa pala! eto yung journey na hindi ko pa ma figure out. Yung stage na, ineexpect ka na ng mga tao sa paligid mo na magkaron ng katuwang sa buhay, bumuo ng sariling pamilya, at maging tunay, certified, legit adult. Wala pa ako sa stage na yon eh, pero pakiramdam ko tinutulak na ako ng lahat don. Lahat! Minsan pati sarili ko pinipilit ko na wag na ako maging choosy. Pero hindi ako choosy!!!! Hindi ko lang talaga maramdaman yung the one. ah baka di pa sya namamatay, kaya di pa sya nagpaparamdam. Uy shet! knock on wood! wag ka muna mamatay!!! Gusto pa ng apo ng nanay ko!!!! Please! Help me.

Naisip ko, medyo nagets ko lang to sa nabasa kong sinabi ni Jennifer Aniston. May mga babaeng hindi nila kailangan ng anak para masabing she's a complete, happy woman. Hindi daw lahat ng babae, dun nakukuha ang ultimate fulfillment in life. Siguro nga, kasi sa estado ko naman ngayon, masaya ako, hindi naman ako nakakaramdam ng lungkot dahil walang baby na ngumangawa sa tabi ko pag madaling araw. May mga instance siguro na curious ako, pero well, well wishing well. Wala pa eh, hindi pa dumadating..Wala bang pwede magbigay ng signal, para sabihin sakin kung dapat na ba ako manligaw ng lalake para lang magkaron ako kung ano meron sa iba? Hindi rin naman ako nagmamadali. Sabi ko nga sa mama ko kanina, sanay ako mag isa, kaya kong gawin yung mga bagay na nagpapasaya sakin ng mag isa. Eh meron lang ilan na di kaya mag isa..like sumayaw ng chacha. diba? o kaya duet. Mahirap gawin yun mag isa.:p Pero naniniwala ako na it will come. it may not be the perfect place, time , moment for others, but I know, when it comes, it will be magical! :)

Yep, naniniwala padin ako sa fairytale, I am not hoping for a fairytale like story, but I know it will feel like it when it arrives. :) Yan ang optimist, madalas nasasaktan, pero hindi aayaw! :p

All I wanted to say is, be thankful for every little detail of your life, love every minute of your life. You may be in a storm right now, but just what Mr. Newton told us, 'for every action, there is an equal and opposite reaction', rainbow will come, and everything will be okay.
And for love, I never thought love can be this confusing, but I trust that love always moves in mysterious ways. I'd be glad to wait, for as long as it takes. It may not be in the form that I sometime imagine, but I know whatever form or shape love will manifest, it will feel definitely like you've come home.

Pak! Tapos na.


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...