Skip to main content

A Carpool Story

Minsan, gusto ko naman talaga mag bus. Kaso hindi na kaya ng pasensya ko at ng kaluluwa kong makipagbakbakan sa ganun araw araw. Kaya kahit gumastos ako ng magkano, kakaririn ko na lang magtipid sa ibang bagay. Gusto ko man dalhin yung sasakyan namin, mahal naman ang parking.

Dito nagsimula ang grab stories ko. Gusto ko silang tawagin fieldtrips. Kasi bawat trip, para akong pumupunta out of town. Maliban sa trapik, iba iba yung nakakasama ko. Me special trip/ grabcar, merong  fieldtrip/grab share. Kasi may mga makakasabay ka sa sasakyan na same route mo, pero syempre magkaiba kayong bahay! Kung sino mas malapit, sya mauuna. So sa mga na experience ko, minsan ako nauuna, pero madalas ako yung huli. Kaya pag me nagkamali sakin, alam ko na bahay mo tol! Charot lang. Polite mga nakakasabay ko. :)

Iba ibang passengers na din nakasabay ko. Merong mag jowa na sabay papasok ng office, magkapatid na papuntang mall, kuya na may sipon pero papasok padin, ate na ang tagal mag make up, ate na parang nakapang bahay pagpasok, paglabas - corporate style! , merong bagong dating lang sa Maynila, may naliligaw, may deadkid parang di gumagalaw na tao, may shiberbeley na maydalang gip, kuya na manliligaw kasi may flowers na dala, mag bff na manonood ng movie. Madami, name it!

Meron ding iba ibang uri ng drivers, may kuya na no tokis, parang Gods must be crazy, hindi nagsasalita, kahit wrong turn na beshie, wait ka nya mag talk. May kuya din na problema nya ang Pilipinas, political analyst, gusto nya mang recruit ng mag aalsa, meron namimigay ng free candies, biskwit, minsan may pa juice pa. Meron din namang malalanding kuya, bolero tas umuusi kung san ka nagwwork, ano oras ka usually nauwi. May ate drivers din. Twice palang ako nakakasaky ng grab na babae nag ddrive. Yung isa parang shiberbeley, mas lalake pa sya sa pinsang mong kakadebut palang. Yung isa mother dear, may family picture sa may dashboard. Sweeeet! Merong kuya na akala mo sya may ari ng Grab, kung ipromote ang mga rewards sa kanila, meron din parang nasa fx ka. Nag raradyo sila ng mga ka berks nya, chumichika kung ano naganap sa inuman kagabe. Minsan makaka chempo ka ng grab na nag overheat sa gitna ng daan, tas papababain ka, tapos maglaakad ka. Tas mumurahin mo sya sa isip mo, pero naalala mo mabait kang mamamayan ng bansang ito, kaya di ka na lang iimik. Merong mga kuya driver na pogi sa dilim, pero di ka sure kung tama ang iyong haka haka pag lumiwanag na. Pero! meron din yung kras kong driver! haahaha. mabango (di ko inaamoy, naamoy ko lang dahil closed space ang car duh?), chaka me tattoo. Pak! Kuya take me home. Char! Ang susunod na programa ay may temang nangangailangan ng patnubay ng magulang.

Syempre wala tayong ginagawang kababalaghan, masama yun. Old fashioned tayo, kaka old fashion way ko nga, tatanda na ata akong dalaga. At for the record, dalawang kras na driver palang nakakasakay ko. Dont judge me.:p Defensive lang ako. :p

Although, hindi kasing laughtrip ang experience ng bus ride, kesa grab ride, oks na din, at least di ka amoy mandirigma pagdating ng office. Ke aga aga, amoy hapon ka na, di masaya yun. Medyo expensive din ang grab, hindi conducive to saving money. Try ko nga mag MRT pauwi minsan, para naman magkaron ako ng interesting content, kesa puro kaabnormalan ko lang nailalagay ko dito.

Yern lang. Ingat mga ka fish! Lumangoy lang sa baha, wag iinumin. Nakalalason! Yung mga nasa bahay, wag na magtangka na lumabas, ma sstranded kayo, kadiri ang putik! Walng bukas na mga kainan, magugutuman kayo. Sleep na lang. Chaka luto champorado. :)

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...