Skip to main content

What Booze can Do

Late upload. Haha. Nasimulan ko na to last month, di ko lang matapos because lagi ako na ddistract ng ibang ideas.

Hindi ako mangungutya ng kahit sino sa post na 'to.  Dahil alam kong ang alcohol ay magical potion na madaming wonders na kayang gawin. :) At hindi ko din kaya mabuhay ng walang alcohol sa mundo. I love beer, and naddistinguish ko na differences ng mga lasa nila, according sa presyo nila. charot!

According to studies, at according na din sa sasabihin kong example, ang alcohol ay nagpapababa ng social inhibitions, nagbabaon sa lupa ng social withdrawal, at nagbibigay ng powers of confidence and kahit anong uri ng alak. Iba iba tayo ng tolerance, so di na ako magbibigay ng sukat kung ilan iinom ng bawat isa satin, bago magkaron ng wonder powers to talk with anyone.

A few weeks ago, nag birthday yung kapatid ko sa isang hotel sa Ortigas. Inimbita nya yung friends nya from highschool, college and workmates. Syempre hindi sila magkakakilala. Nung dinner palang, hindi sila nag uusap lahat. Tahimik as in, so parang boring ang party. Nga pala, sinama lang ako ng kapatid ko para mag decorate, mag ready ng food, bumili ng pangangailangan nila sa 7/11 at magligpit after. Tita yaya lang ang peg, guardian. hahaha. So yun, ang akala ko, boring, so nanood na lang ako ng tv at naghintay ng utos ni madam.

Nung inuman portion na, after 2 bottles ng tequila. Nagsimula na silang mag ingay. Take note, naririnig ko lang sila from one of the rooms, kasi nanonood lang ako habang nainom ng coke. hahaha. shumat naman ako pag nayayaya sa ikot nila. Baka sabihin nila kj ang tita nyo. I tried makipag socialize sa youngsters, pero wala talaga ako sa mood uminom nung gabing yun.

Sayang nga hindi ko nadala laptop ko, para naitala ko talaga yung realtime thoughts ko non, wala din akong papel chaka bolpen kaya ayern. So parng naglaho na lang na parang bula yung mga bright ideas ko no, so etong entry na to parang residual na lang. :p

Anyway, ayun nga, after how many bottles of alak, they were instant bestfriends na. They were socializing kanya kanya, some of them, they step out to smoke. Yung iba naman sila na nag iinit ng food nila on their own. Nawala na lahat ng hiya nila sa katawan. Sa bagay, sa susunod na mga araw di naman na sila magkikita eh.:p

---- Naputol ulit yung thoughts ko, so wag ko na lang tuloy tong entry kong to. Basura amp. Pero ippublish ko padin, para makita ko kung gano kabulok ideas ko pag nawawala yung train of thoughts ko.:p

Comments

Anonymous said…
Hi there! Just wanted to greet you since your last post..anyway i've had a similar incident bout 3 weeks ago but to a much catastrophic event=( I have a question regarding your post. I duly comprehend alcohol decreases inhibitions,increases self confidence but don't u think that's kinda frowned upon?i mean i dont drink a lot but these attributes that alcohol generates, you can do that on your own without the use of it. U don't need to use alcohol just to withdraw or to a lesser degree open up to someone..? Whaaaddayathink?
Unknown said…
Hello, anonymous reader! thank you for loitering around my boring site. I'd return the question to you, why is it frowned upon? I mean, we drink, not because it decreases our inhibitions, right? Most of the time, it's celebratory. Since not everyone has the gift of lakas ng loob, or not all people in a gathering are extrovert. Alcohol can actually aid someone to be more sociable, in scenarios that he/she needs to be one. And just to add, we are all adults, we should know when to stop drinking, so we don't get into brawls or in your case, catastrophic event.:p Lasing pa more! haha
Anonymous said…
I guess why i said it's frowned upon its due to the fact that initially you are correct people are drinking to a celebratory event, etc.However the root of it involves hiding something--this will surface later in the wee hours in the morning(usually personal matters). All i'm saying is we don't need to be extroverts in order to extract our anger, frustration, inhibitions to a particular person/thing. You can still be professional even when you're drinking.If you want to say/do something just do it. In my experience kasi i felt that people don't know when to stop given they are pulled into Doraemon's rope like sucked into a vortex when they refuse or stop at the middle of a drinking session and be ridiculed for it. I don't really understood that part. You mentioned lakas ng loob... I think each and everyone of us has that ability. We just use it in different forms.I also know what you're thinking "This is accepted in Filipino society, that drinking is a stigma we should all just be numb about this..." I get that a-hundred percent=) On the flip side i guess i'm living in a different time haha

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...