Skip to main content

Update 1876 on my Weight Loss Journey

Since successful yung diet modification challenge natin. We are leveling it up to a notch. Cardo, cardio pala! :p Dahil kaya ko naman sya gawin, pero hindi consistent. Why not try it 1 straight week, and see if I can continue from a week to another and another and another? Tandaan, kelangan natin magkasya sa one piece rashguard na binili natin online by end of December!

Plus, may susunod na tayong challenge pag naging successful 'to. Solo travel. Dahil tumatanda na tayo, it would be a liberating experience, and a must try in one's life. Next year natin gagawin yan. Pero naisip ko, wag summer, kasi madaming tao, wag din masyadong mabagyo months. So di pa tayo sure, kung gusto ko ba talaga hamunin ang sarili ko sa gantong usapin. Ang skin! alam mo na! Feeling mayaman. Akala mo me pangbili lagi ng mamahaling pamahid.

Nag end yung train of thought ko dito, this was supposedly an October entry. Pero yaknow naman your tita, mabilis ma distract.

------------------------hep, hep!

Update! When I started writing about this, I was not really sure if I already lost weight kaya nag iisip pa ako how to further challenge myself, since sira ang weighing scale ko, yaknow para sure na may ma lose. Mainly, sa physical and size lang ng mga damit ko ako nagbbase if may improvement ako.
So, if you are following my journey back to Medium size, yaknow how I'm struggling. When I started my new job last June. I bought formal office clothes, and one of those eh slacks. Di naman kasi ako nag gaganon sa dati kong opis. Surprisingly, hindi by numbers and waist measurement nila. Small, Medium, Large, Extra Large ang sukatan. At hulaan mo nasan ako don nung June! XL ang binili ko besh. Snug pa yon. In denial pa ako nung una, Large lang kinuha ko, ending di ako makahinga, so XL talaga eh.

Fast forward to October 31st ( last workday ko yan for the week kasi), sobrang looooooose na nung slacks ko, as in mahuhulog na sya pag walang belt. Improvement? haahaha. Yabang ko don! In addition to that, pag bumibili ako ng blazer, I'm a large lady, since June to ah. But the last one I bought na Large, sobrang laki na nyaaaaaa. I am going back to my acceptable size!!!! Medium! Ohmaygaaaaaad! Last na yabang na lang. My sister and I bought a matchy matchy shirt..guess what my shirt size is? SMALL! Taena. I never thought, I could go back to this state in months lang. Yes I have faith na papayat ako, next year pa ganon, kasi di ko talaga macommit sa sarili ko yung workout. Pero damn metabolism nakikisama ka. haha.Parang gusto ko bigyan ng trophy self ko.

Last na yabang na lang talaga. My mom gave me this pretty ripped jeans last month, ganda ng tela, ng fitting sakin, and pagkakapunit! hahaa. I wore it the other day..anluwag na nya. Ibig bang sabihin nun eh lumiit din yung puwit koooo? I think yes. huhuhu. So while I am losing my unwanted fats, I am also losing the flattering fats I gained, such as those on my puwit. hahaha. Just today, I have this favorite black casual jeans I wear pag weekend na aalis ako, when I looked in the mirror, my butt shrinked! anluwag na nyaaaaaa. hayst.

Not sure what happened with my body, I am continuously losing baby fats (pakiramdam ko lang to, no numerical basis dahil wala nga akong weighing scale, but duh, I know how my body works), especially my tummy bilbils, kahit kumain ako ng madaming happy food since the other day, until today. Am I dreaming? Is this real? Should i slap my face? Baka nag hhallucinate lang ako? Mamaya pag uwi ko, I will face one of my fears!! Hanap ako ng medida, at susukatin ko na ang aking bewang!Ohmaygaaaad. Excited na ako. hahah. Charot!

Kung totoo man na may progress na ako, di naman ako titigil to improve myself. Sabi nga nila, be the best version of yourself. So far, I am far from the best I want myself to be. So keep pushing. I guess, there's just one thing I want to point out in this blog. Sabi ng isang sikat na nilalang na di ko alam kung sino (nabasa ko lang din kasi to somewhere before), 'there's no such thing as impossible. Everything is possible, the impossible just takes a little longer'. If you set your mind into something, the universe will conspire with you to make it happen. Keep pushing yourself, and never lose hope. Sino pa bang maniniwal sayo, kundi sarili mo lang.

I am happy with my progress, it may look konti to others, but I've put effort and a lot of mindworks into this, kaya napproud na ako. There are a lot of things that contributed to my mindset. One, yung mga fnfollow ko sa IG, they helped me. May nabasa ako minsan, na wag ka mag follow daw ng mga accounts na nagddikta kung ano ang maganda sa hindi, instead, follow those na mag iinspire sayo to be better. I followed women in different sizes to strive to be best of who they are. They empower other people as well, and by just looking at their progress, I was able to adapt and use what I learned from them. Now, mas ok na sakin iignore yung mga tao na nagsasabi na niloloko ko lang sarili by fasting, limiting consumption of junk food, and minimizing carbs in my diet. I may not influence them to make gaya, but I can show them that what I do works for me.

Hoping that my journey would also help others to believe in themselves and not let others tear their motivation down.

Inspirational na pala bigla yung entry! hahaha. Well! I am happy, so this is such a happy thing to write about. :)


Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...