During daytime (bilang hindi ako morning person) maraming bagay talaga nakakadistract sakin. Most of them mga useless na bagay at hindi ikayayaman. So since yesterday, napaisip talaga ako saan galing or nag originate ang mga goldfish? Bakit goldfish eh kulay orange sila? May gold ba sila sa katawan? Pede kaya sila isanla? Char!
At dahil di tayo papayag na walang sagot sa ating isipan, nag research tayo at di lang babase sa sabi sabi, sa tiktok o kaya sa youtube. Rawr! At ang expert/legit source ay NatGeo syempre. Originally pala gray green ang kulay nila. Through breeding and mutation, naging orange,red,white na sila. Saan sila nagmula ng super simula? You guessed it! Sa China. From the beginning, they are bred pala for consumption. Bilang kilala naman naging ang China na mahilig sa exotic animals para kainin, di na ito kataka-taka. Siguro merong isang Japanese na nagawi sa Japan at nakita ang breeding ng goldfish at nasarapan sya, dinala nya ang idea sa kanyang bansa. At dahil gaya gaya tayong mga Asians, we follow suit. In 1890, goldfish farming became a thing, so naisip mo na yun madami ng mutations na naganap. Not sure lang if tumigil na ang evolution ng goldfish, at di magkakaron ng posibilidad na maging super sayan.
Ang susunod na tanong, nakakain ba ang goldfish sa panahong to? Bakit hindi sya normally kinakain kung pwede sya kainin? Katulad ng, bangus, tilapia, hito, sa freshwater nabubuhay ang goldfish. Pero mas matabang pa ata sya, at walang sustansya tulad ng tilapia. Pero bakit nga from thousands of years ago ay kinakain naman sila ng mga Chinese? Well, dahil nga sa mutations. Hindi na sya masarap ngayon ghorl! Naging ornamental na lang ang purpose nila. Katulad ng tao, you are what you eat. Ano bang kinakain ng goldfish ngayon? Algae, pellets, dumi. Try mo umamoy ng fishpond. Tignan natin kung gaganahan ka pa.
Totoo ba ang kasabihan na may may three-second memory lang ang mga goldfish? Hindi ito totoo! Dahil according to studies, matalino ang mga ito at pwedeng ma train. Mahaba din ang buhay nila. Kaya pala hindi sila pwede sa fishbowl, dahil hindi ito conducive to thriving. They can reach their full growth potential pag malaki ang space at maganda ang quality ng tubig, plus oxygenation. High maintenance din pala tong mga to. Kung trip mong mag-alaga ng ganyan or mag breed ka to eat it, at madami kang time and money, ayan pede ang fishy business na ito sayo. :D
Wala na akong ibang isshare tungkol sa goldfish, pakiramdam ko ngayon goldfish expert na ako. :D
Have a nice day!
Comments