Di ko alam kung may magagawa pa ako kung madami naman talaga akong napapansin na ayoko naman sabihin at ipagsigawan kasi alam kong nanlalait lang naman ako..haha..ang gusto ko lang naman sabihin ee..may mga nakikita akong kapansin pansin na dapat naman talagang pansinin..Unang una..ang Pilipinas di naman nawawalan ng eksena..Tulad na lang kanina..habang nasa jeep ako,napadaan ang jeep na sinasakyan ko sa isang palengke..sa may bangketa, nag aaway ang babaeng customer at ang lalakeng tindero..Ano bang nagagawa ng pakikipag away?Meron ba? Bukod sa nakaka taas lang ito ng blood pressure e nakaka pangit din ito ng ating balat na sanhi ng pagdami ng wrinkles sa ating mukha. Minsan may mga taong kulang sa patience. Bakit kaya?Wala na akong kinalaman dun..Pangalawa, may nabasa akong ang jeep ay sumisimbolo ng 'delayed' daw ang progress ng Pilipinas sa usapang ekonomiya. Oo, di naman yun maikakaila. Pero ang jeep ay parte na ng ating kultura. Ano na lang ichura ng ating mga kalsada kung wala ang mga makukulay na patok, mga smoke belchers na mga jeep, mga jeep na halatang mas matanda pa sa nagmamaneho nito, at higit sa lahat, wala ng mga taong nag aabang sa kalye na akala mo may world war three kung makipag agawan lalo na pag rush hour. Isa pa yang rush hour na yan. Bakit tinawag na rush hour e ang lahat napaka bagal ng galaw.Di ko ba naisip na nag ppertain ito sa tao na nagmamadaling umuwi sa kani-kanilang mga pamilya? o di kaya pagod na gusto na mag pahinga kaya nagmamadali..Shonga. Ano ang gusto kong sabihin? Eto na ang sinasabi ko sa unang bahagi. Minsan may mga kausap ka na di mo alam kung saan nila tinatago ang kanilang utak, sa kilikili ata..di nila nagagamit at medyo nangangamoy na kasi naagnas na ata? Ang sama ko naman magsalita.nakakairita..ayun nga!kaya nga dito ko na lang nilagay kasiiiiii..ayoko mag verbalize..dito ko na lang ilalagay..maygaaad! Madami pa akong napapansin pero pagod na ako mag type..medyo humaba na din to ah..chaka infairness ngayon na lang ulit ako ng pree stayl!!dahil sa nakita kong comics sa peysbook napa blog tuloy ako..sa uulitin..wala pa akong trabaho kaya malamang di magtatagal e magppost ako ulit..a
ang dakilang tambay ng kamuning.pero sa loob lang ng bahay namin..bow.:))
Comments