Skip to main content

NOONG UNANG PANAHON MAY SINULAT AKO...

Today is the 17th of April year 2009
            Isang ordinaryong mamayan, naglalakad ako ng maghigit isang kanto para makapunt sa nakayan ng jeep. And dinadaanan kong ito ay tatawagin na lang natin na “catwalk”. Araw-araw naglalakad ako ditto, pag papasok sa iskul, pupunta sa mga fast food, magsisimba, lahat ng gawain na sasakay ka nag jeep. Anyway, dito ko una napansin ang mga tarpaulin o mga pabati ng mga politico na nangako sa mga tao na papaunlarin ang kanilang nasasakupan. May nangyayari nga ba?
            Sa buong buhay ng isang tao kadalasan siya ay naglalakad, tama? Siyempre hindi kasama dito yung mga hindi nakakalakad. Ang kapaligiran ng isang tao ang humuhubog sa kanyang pagkatao. Oo humuhubog.haha. (ano ba kasi tagalong ng ‘molds a person into who he/she is?’) Binigyan tayo ng ating Lumikha ng kakayahan para magamit ang ating utak, tumingin sa paligid, mag obserba ng mga nangyayare, kumilos, at gumawa ng kabutihan sa kapwa. Eto yung sinasabi kong mga politiko. Nangampanya sa mga tao, ngalagay ng pera sa mga tao para manalo, at ang kanilang plataporma? ‘Make this world a better place’, ako, naniniwala na hindi pa pinapanganak sa mundong ibabaw ang makakapag bigay ng magndang lugar para sa mga tao tulad ng Utopia ni Sir Thomas More. Mahirap umasa sa mga ganitong pangako, dahil sa Pilipinas tamang tama ang kasabihan na “Promises are made to be broken”. Anyway ulit, tungkol naman dun sa mga pabati… Napansin ko lang kahit hindi na pasko may mga pabati parin si Councilor Bukayo, Mayor Spongebob, at kung sino2 pang mga local officers na bongga sa pag ngiti sa kanilang mga picture. PAg tinitignan ko nga, naiisip ko, ano nga ba nagawa nitong adik na to,?hhhhmmmm…Ahh! alam ko na! tuwing mag okasyon may mga poster siya sa mga kavble ng kuryente sa daan at bumabati ng “Congratulations Graduates!”.
            Ang akin lang, alam ko halos lahat ng mga politiko ditto sa Pilipinas mga mayayaman. Oo, sumweldo ka nga naman ng nag rerelax lang sa air-conditioned na opisina e. Ang dapat nilang ginagawa e maghanap ng paraan para gumaan ang buhay ng mga tao sa nasasakupan nila. Mapapansin mo, mga proyekto nila, “Oplan linis kapaligiran”, eh kelan ba sumunod ang mga Pilipino? May mga paraan ba sila para sumunod ang mamamayan? Wala, minsan nakikita ko yung mga konsehal sa lugar naming, ano lang ba ang nakikita kong ginagawa nila? Ngumiti at makipag kamay sa mga tao at sabihin na “iboto nyo po ako sa susunod na eleksyon”, naisip ko sana dunidugtungan nila yun ng “para gamitin ko pera nyo makabili ng bagong expedition”.
            Yung mga poster! Hinahayblad talaga ako diyan, inaamin ko hindi ko alam saan nila kinukuha ang budget para magpagawa ng sankatutak na poster para sa lang bumati ng happy valentines everybody. Ang masama e yung sap era ng bayan sila kumukuha diba? Pero kung pera man nila yun, dib a mas maganda kung magsagawa sila ng libreng bakuna sa mga bata o di kaya magbigay ng trabaho sa mga tambay.  Diba?diba?
Hindi yung akala mo e family picture na nakasabit sa poste, nakadikit sa urinal ng mga lalake. Nagkakaron ng dinastiya sa local government ng di natin napansin. Strategy!
            Tatapusin ko na lang to ng pagtatanong, karapat dapat bang iboto ang may poster tuwing balentayms dey?haha

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...