Skip to main content

KUNG PWEDE LANG..

Sa mga bagay na nailagay ko na dito sa aking page, pag ibig ang bihira kong isalaysay..bakit? Para kasi sakin ang pag ibig ay minsan ng naging hadlang para sa malinaw na pag iisip at pag puna sa mga bagay na di napupuna ng mga taong umiibig. Parang shades yung love para sakin. di kasi ako mahilig mag shades. Oo nga't maporma ito at nakatutulong sa ating mata, pero kasi madilim, natatakpan nya yung 20/20 kong paningin, nagiging madilim lahat ng bagay...Ewan ko lang...Hanggang ngayon di ko padin alam bakit ganun ang epekto sakin ng pag ibig...Pero napaka powerful nga naman nya nu? Kahit naapektuhan nya yung bagay na gustong gusto kong gawin, di naman ako nag sasawang magmahal. Katulad na lang...hahaha..mag kkwento ako talaga? e kasi ok na kami e, parang dati sa isang linggo laging may 2  episodes of war yan..ngayong november parang 2 weeks na ang nakakalipas ala pa..bongga yun!improvement..nasakin padin pala ang solusyon..oo wala sa kanya..ayaw nya makinig e, matigas ulo...after ko mag change ng approach, nagbago din ang lahat...ayoko na nga maging detailed masyado..wala na akong privacy sa sarili kong space..hahaha..:))

Kung pwede lang, wag na akong magsulat tungkol sa pag ibig gagawin ko, pero dahil hindi pwede, wala akogn magagawa..:)

Comments

Popular posts from this blog

The Era of Concubines and Incest

“Nagmahal lang naman ako…” samahan mo pa ng ‘huhuhu’ dahil pag ganyan ang linya e umiiyak yung nagsabi nun tiyak. Noong unang panahon pa man e uso na yang mga kabit na yan at incest. Sa mythology, ang magkaka-kapatid, mag ina, mag pinsan, mag bayaw, bilas, mag lolo, gumagawa ng himala, tapos ang nagiging anak mga puno, halaman, bundok, dagat. Parang puno, kapag may dalawang adjoining branches hindi malayong magkaroon ng panibagong sanga sa isa sa kanila. Baka sabihin mo kathang isip lang ang mythology, sige, isa pang example. Dati, uso ang mga hari’t reyna at kung ano ano pang royalties. Alam kong nasa isip mo ang mga babaeng ang suot e mahahaba, long sleeves pa nga e, may pamaypay, ang mga lalake may baston kahit wala naman sakit sa extremities. Ang sinasabi ko, kahit ganyan ang suot nila na balot na balot, juskooo. Ang libido nila umaapaw kaya kahit asawa ng kapatid e pinapatos. Akala mo wala ng ibang tao sa mundo. Trending ata yan, bawat henerasyon dapat di mawawalan ng ganitong es...

Different kinds of Passengers (sa ating JEEPNEY)

            NOTE: ito ay ang installment ng naunang artikulo tungkol sa mga drayber sa Pilipinas; sa Quezon City specifically. Bilang isang estudyanteng malapit nang magtpaos ng pag aaral, marami akong gusting tandaang bagay mula sa aking buhay estudyante. Una, sasabihin ko muna kung ano ang alam kong routine ng mga katulad kong nursing students. Sa umaga, gigising ng super aga kahit isang oras lang ang tulog mula sa pag-aaral. Maliligo ng malamig na tubog para bongga sa gising ang dugo, parang mga driver lang ng bus e nu? Pero ganun talaga kasi ang buhay. Magbibihis, kakain o minsan pa nga hindi na kakain kasi late ng gising ang ating kaibigan. Kung mahirap o di kaya ay ordinaryong mamayan lang an gating estudyante katulad ng sumulat nito, at public transport ang kanyang sasakyan. Kung mayaman naman, syempre may kocheee yan!!Bayaan natin ang buhay may car dahil wala sa koche nila ang mukha ng totoong buhay sa Maynila.   Ako...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...