Tuwing buwan ng Mayo papuntang Hunyo, lagi na lang problema ng bawat magulang at estudyante ang pagtaas ng matrikula. Todo kayod ang bawat magulang upang matustusan ang pag aaral ng mga anak, ang mga estudyanteng naghihirap upang mapag aral ang sarili,. Ngunit ang pagtaas ng tuition fee ay tila bagyong di natin kayang pigilan ang pag taas ng bayarin sa mga eskwelahan. Naipabalita na ang pinayagan lamang ng CHED at DepEd ay ang mga pribadong mga eskwelahan, ngunit ang di natin alam ay ultimo mga mabababang paaralan ay may mga dagdag pabigat din sa bulsa. Masasabing hindi daw ito tuition fee hike dahil wala naman silang pinapabayarang "tuition" ngunit, ang mga bagay na di naman nararapat singilin sa mga mag aaral tulad ng "boluntaryong" pagbibigay para sa maipaayos ang table ni ma'am ay isa sa mga responsibilidad ng gobyerno.May mga dagdag bayad, datapwat mayroon nga bang epekto sa kalidad?
Isang tanong lamang ang sumagi sa aking isipan, mayroon nga din bang HIKE sa KALIDAD ng EDUKASYON sa tuwing nagkakaron ng TUITION FEE HIKE?
Isang tanong lamang ang sumagi sa aking isipan, mayroon nga din bang HIKE sa KALIDAD ng EDUKASYON sa tuwing nagkakaron ng TUITION FEE HIKE?
Comments