Skip to main content

MABABAHO ANG MGA ZOMBIE

Sa mga oras na di ako makatulog at naisip kong yakapin ang keyboard, madami akong hinagpis na naiisip at nailalagay sa site na to..Maaring gutom lang ako o inaatake ako ng kawalanghiyaan, ewan ko...Pero isa sa mga bagay na sumagi sa mura kong isipan ay ang.

ZOMBIIIIEEEEE--isang matinding pag iipon ng lakas ng loob at tapang ang pagkuha sa litratong ito.natatakot akoooooo!:/









Ang mg Zombie nga ba ay totoo?

Dahil sa takot sa mga zombie at napapanaginipan ko pa sial, naisipan kong magsaliksik kung maari nga bang maging isang zombie ang isang tao.

May isang website na nagsasabing may limang dahilan o maaring pagmulan ang pagiging zombie..
link: http://www.cracked.com/article_15643_5-scientific-reasons-zombie-apocalypse-could-actually-happen.html

Isa sa mga nabanggit na maaring maging sanhi ng pagiging zombie ay ang organizsmo na tinatawag na toxoplasmosis gondii, na maari lamang maka apekto sa utak ng daga. Nabubuhay ang organismong ito sa bituka ng pusa. Kaya walang dapat ikabahala..Pero may mga kasunod pa ang mokong na gumawa ng artikulo..Ayoko na lang sabihin...Dapat na ba akong maniwala sa mga bangkay na naglalakad at nangangain?

Maaring movie-goer ka at sabihin na sa mga pelikula ay sinasabing Virus ang sanhi ng pagiging zombie. Maari "daw" itong mangyare, inaatake ng virus ang utak at mawawala lahat ng alala ng tao maliban sa instinct na kumain at pumatay.

Isa sa mga naging interesante sakin ay ang nano-cyborg. Para itong microchip na pinapasok sa utak ng tao upang ayusin ang mga dead cells.Gumagawa ito ng sarili nyang paraan upang gumalaw parin ang tao kahit sya ay namatay na. So isipin mo na lang..namatay ka na't lahat gumagalaw ka padin dahil sa anak ng walastik na nadiskubre ng tao. Ngunit lahat ay may hangganan, ag katawan ng tao ay nabubulok kung kaya't upang maipagpatuloy ang masamang hangin na dala ng mga patay na ito at maghasik ng takot sa sanlibutan, kelangan kumagat ang zombie sa isang healthy human being para cool ulit, mag sshutdown ang isa at mag sstart up naman si newborn zombie. Pagkatapos ay hahanap na ng tropa ang bagong zombie hanggang maging barkada sila, isang barangay, isang siyudad, maging probinsya at maging bansa ng mga zombie...Isipin mo na lang ganon kabaho yun!!

Bago ako mabaliw sa takot, me nakita pa akong isang link : http://io9.com/5547673/5-real-diseases-that-could-make-you-act-just-like-a-zombie

Siguro dito pwede pa ako maniwala...Ngunit, sa kabilang banda, gusto ko na lang tapusin ang ginagawa kong ito dahil iniisip ko pa lang na pwede mangyare ang Wolrd War Z (coming soon, starring brad pitt) sa totoong buhay, gusto ko na masuka sa baho...Ang malaki kong problema sa mga Zombie...
*bow*

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...