Sa susunod na buwan ay isang taon na akong nagttrabaho sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon. Anong kataka-taka dun?Sa bilis kasi ng panahon ngayon ko lang naisip na sa halos 2taon kong pagttrabaho nakapasok ako sa 5 kumpanya na iba iba ang trabaho. Di ko masasabing proud ako dahil ibig lang sabihin nun di ko kayang tumagal sa isang trabaho. Pero naisip ko di naman ako may gusto na lumipat ako,ang salarin ay ang nagluwal sakin. Hindi ko sya sinisisi dahil sa lahat nang naging karanasan ko ay natuto ako maging matyaga at makisama sa iba'r ibang klase ng tao. Sa lahat ng mga taong nakilala ko may samu'r saring kwento akong nalaman, at isa ito sa masasabi kong proud ako.
Sa bawat pagsubok na magdaan hindi na ako natatakot na gumising kinabukasan, sa halip sasabihin ko pa na 'bring it on!' kasi sa bawat problema may solusyon. wala pa ata akong nakitanh problema na walang solusyon. Marahil minsan hindi naiisip ng tao ang lahat ay pagsubok lang at ang mga sagot sa tanong ay nasa sarili lang din nila. Inuunahan tayo ng takot, ng pangamba na may masabing makasasakit satin ang ibang tao, takot na baka hindi kayanin ang maging resulta ng kanilang drsisyon.
Natutunan ko na ang bawat kilos na igunagalaw ng tao ay bunga ng kanyang mga pangarap at kagustuhan. Minsan nga lang, masarap kasi tumambay na lang muna at nkakakatamad kumayod sa mainit na klima o di kaya'y mas masarap matulog sa malamig na simoy ng hangin.
Sa bawat kwento naintindihan kong umunawa ng walang iniisip na masama o pagdududa sa aking mga nakahalubilo. Naranasan kong awayin, pintasan, mapahiya, pero di naman ako namatay kaya keri lang. :)
Sa mainit na umagang ito, naisip kong puyat lang to kung kaya't nakagawa ako ng ganto.
Pero kasi, hindi ko malaman bakit patuloy na lumalala ang trapiko sa iba't ibang panig ng Kamaynilaan. Dumadami ba ang mayayaman kaya dumadami ang kaya bumili ng sasakyan? O may sumpa ang EDSA? :) joke lang Tito Panyong..:) hihihi

Comments