Skip to main content

25 na ako...

Sa araw na to, nag uumapaw ang aking kasiyahan. Una,dahil nabuksan ko na ulit 'tong pinakauna kong blog na pinag buhusan ko ng mga hinaing ko tungkol sa pag-aaral ko, sa trqffic sa EDSA, sa pagkairita ko tuwing nababasa ang paa ko sa ulan, at mga bagay na napapansin ko lalong lalo pag nakasakay ako sa kahit anong public transportation.

Marami na ang nagbago. Tumatanda na ako, naging maarte na ako, di ko namalayan nahihilig na ako sa mga produktong pampaganda at di ko namamalayan na nalalagasan ako ng pera dahil sa mga produktong pamahid at kung anik anik pa. Dati, hindi ko kinahiligang mag-ayos. Siguro dahil nag 'mamature' ako bilang babae. Bakit utak ko di nagmamature? Mahirap to. hayst.

Naging alipin ako ng pag-ibig. Hinamak ang lahat, masunod ka lamang ang arrive ng lola mo. Eh wala, mahal ko eh. Nagpakatanga ng todo, nag mukang aanga anga. Pero wala akong pinag sisihan. Dahil naniniwala ako, 'what is done out of love, only takes place beyond good and evil'. Pak! Lunod! CPR!

Nagkaron ng personal growth sa trabaho. Isa to sa mga naging tagumpay na aking maituturing sa panahong di ko nakakausap tong blog kong to. Naging workaholic ako.At naging 'people person' nang di sinasadya, na labag sa kalooban ko nung una.  pero ngayon mahal ko na lahat ng taong nasasakupan ko..reyna lang.haha Masarap sa pakiramdam na minsan kinaiinisan ka ng mga tao dahil sa trabaho ko. Minamahal ako ng tao dahil natutulungan ko sila nang di ko sinasadya. Napapasaya ko sila sa pamamagitan ng kamalditahan at kawalang pake sa mundo.

Napagtanto ko na ang pagiging single ay di naman pala boring. Masaya sya madaldalas, malungkot minsan. Pero mas nagkaron ako ng oras para malaman kung hanggang saan ang kaya ko sa maraming aspeto ng buhay.

Nagkaron ako ng tattoo. All is fair in love and war. Dragon, lotua yinyang.
yun lang

Madami ang nagbago...siguro sa susunod ko na iisa isahin ang lahat ng mga bagay na nagbago simula nung nahinto ako dito...babasahin ko muna ulit yung mga nasimulan ko dito..dahil alam ko na nung mga panahong nag titipa ako ng mga letra at oangungusap, nagkaron ako ng sobrang kasiyahan na di ko mahahahanpa kahit saan., maliban sa blog na ginawa ko.

...i'm still the orange girl you loved, and i still love you til now..

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Lipistik

Friday again! Happy weekend world! Again, I ask myself, how can I fucking write something happy and witty, if all I can do is sulk over the idea or feeling of being unwanted. I can’t even say that I like myself. Feeling ko nagkakaron na naman ako ng episode of the inevitable. Pero I can get over this, I know. Una sa lahat, patawad sa mga nagbabasa ng blogs ko, ang boring kong tao. Dead kid. Wala ng nagaganap na interesting sakin, maliban sa madami akong natututunan sa work ko. Yeth, I’ll tell you about my job. Nasa harap lang sya ng magandang building ng San Miguel. Nung 2015, wala pa tong building. Nag work kasi ako dati sa tabi netong building. Big hole lang to non. Dead end. Tanginang train of thought, napuputol, humihinto. Im cursed!!! Ohmaygaaaad! Gagawa na lang ako ng quick alamat! Ang topic for today, mga bata, ay tungkol sa alamat ng lipstick. Bilang mahilig sa lippie ang ating may akda, gumawa sya ng kwento tungkol sa kung paano nagsimula ang pamahid sa labi n...

Barasoain Church - yung nasa sampung piso

disclaimer: Lahat ng pictures kuha lang sa humble kong android. raw lahat at hinaluan ng konting kaartehan ko, na minsan nakakainis dahil di naman kagandahan ang kinalalabasan. More practice!! Barasoain Church in Malolos, Bulacan Yung simbahan sa sampung piso: Kung titignan mo yung pera, mukang malaki yung simbahan..Pero syempre iba na ang mundo ngayon!! baka lumaki na ang mga tao at lumiit yung simbahan. Parang damit na nag sshrink pag nalabhan. Pero syempre!! joke lang mga yan.:p Magkamukha naman yung nasa sampung piso chaka sa actual kong nakita, andun yung puno na di ko alam kung legit bang yun padin yung puno, o apo na to nung original na puno. Syempre iba na ichura ng paligid nung simbahan.Yung nasa gilid ng bell tower eh may kalyeng tinayuan na ng mga maliliit na bahay at tindahan. Nakakita din ako ng ilang nagbbisikletang kuya na nakapara, nagbebenta ng kwek kwek,siomai, palamig at iba pang tnutusok. Sa kabilang side naman, ...

SINGKONG BUTAS

Sa hirap ng buhay ngayon, ultimo barya mahalaga. (kaganapan sa jeep umagang pauwi ako) Pasahero: bayad, wilcome.(lalakeng mukang papasok palang, ayoko maging judgmental, basta papasok palang) *abot bayad,abot sukli. bilang.kunot noo ni kuya passenger* P: magkanu ba hanggang wilcome? Driver: unse. P: subra ka singko. D: Salamat. *********************************************************************** Sa sobrang corrupt ng mga tao sa tabi-tabi, sa taas tass, mas may dangal pa ang ordinaryong tao na nagttrabaho sa ilalim ng araw kaysa sa mga taong nasa malambot na upuan at malamig na opisina. Nakakalungkot isipin na sa kabila ng pagnanais nating magluklok ng tapat na opisyal ng gobyerno, tila parang may masamang elemento ang nagluluklok sa kanila sa pwesto. Ano nga ba ang masamang elemento na naghahasik ng lagim sa gobyerno?PERA. Sabi nila, hindi ang pera ang sumisira sa buhay ng tao, kundi ang pagmamahal at pagnanais na magkamal ng limpak limpak na salapi. Aanhin mo ang...